PRD program, inilunsad ng DTI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total reads

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang Department of Agriculture (DA) ang PRESYONG RISONABLE DAPAT (PRD) Program sa pamilihan ng Metro Supermarket ng Metro Retail Stores Group sa isang tanyag na mall sa Taguig City.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, layunin ng PRD Program na maialok sa mga mamimili ang kalidad ngunit murang karne ng baboy at pati narin ang karne ng manok sa mga nangungunang Supermarkets sa Metro Manila.

“So immediately ang point po natin dito is that ang ating mga kababayan may option.. May option bumili kung saan mura, ang mahirap po kasi kung hindi available mahihirapan ang ating kababayan ‘san ako bibili ng sinasabing mura na pork?’ so we have to make it available para sila.. Alam nila kung saan pupunta,” pahayag ni Lopez

Sa ilalim ng programa ay aabot sa Php200 hanggang Php250 ang presyo sa kada kilo ng baboy kumpara sa presyo nito sa palengke na magsisimula sa Php220 hanggang Php360 kada kilo habang ang karne ng manok ay aabot ng hanggang Php110 kada kilo.

Ayon din kay Secretary Lopez, Hindi lamang mga imported pork products ang ibinebenta ng PRD program dahil na rin isa sa mga suppliers ng programa ay ang mga lokal na Hog-raisers sa Pilipinas na maaring mag-mula sa ibat-ibang lalawigan.

“So ang mangyayari pagka may available murang supply wether imported or local, the other local producers and yung sellers naibababa nila, nahahabol nila sa presyong 120 and 150 so yun ang kagandahan dito, pabor din sa ating local producers kasi nung benebenta dito hindi naman imported na kada pinakita na local din, galing gensan, like you do yung consolidating effort din ng Metro retrail napapamura yung presyo pagka yung kino-consolidate,” ayon sa kalihim.

Tiniyak rin ng kalihim na magiging sapat ang suplay ng karne ng PRD Program at pananatili ng presyo ng mga pangunahing produkto sa merkado higit na sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Disyembre.

“Marami tayong supply, atleast sapat lalo na para sa darating na kapaskuhan at sabi nga natin good for 1 year until next year po I think okay ang ating supply dito.”pagtiyak ng kalihim

Una naring nanawagan ang Simbahang Katolika sa Pamahalaan ng Pilipinas na tiyakin na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang bansa lalu na ngayong nararanasan ang krisis ng pandemya.

Noong nakalipas na taon naman ipinarating rin ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang mensaheng pangalagaan ang dignidad at kapakanan ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura na pangunahing sector na lumilikha ng pagkain sa buong daigdig.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,269 total reads

 5,269 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,397 total reads

 5,397 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,459 total reads

 10,459 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,865 total reads

 66,865 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 190,367 total reads

 190,367 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 275,321 total reads

 275,321 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 50,021 total reads

 50,021 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top