Mga sementeryo sa Diocese of Daet at Iligan, sarado sa Undas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 743 total reads

Tiniyak ng Diyosesis ng Daet at Diyosesis ng Iligan ang pagtugon at pakikipagtulungan ng Simbahan sa pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus sa paggunita ng Undas.

Bilang tugon sa inilabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa papalapit na Undas ay kapwa inanunsyo ng Diyosesis ng Daet at Diyosesis ng Iligan ang pansamantalang pagsasara sa mga Catholic Cemeteries mula ika-29 ng Oktubre hanggang ika-4 ng Nobyembre, 2021.

Nasasaad sa pampublikong anunsyo ng Diocese of Iligan sa Facebook page nito ang panawagan ng Roman Catholic Cemetery Office ng diyosesis sa bawat isa na maaari ng bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay hanggang sa ika-28 ng Oktubre bago ito pansamantalang magsara bilang tugon sa panuntunan ng pamahalaan.

“The Roman Catholic Cemetery Office [of the Diocese of Iligan] would like to inform everyone on the following visiting schedule gate will be open for – October 15 – 28, 2021 then will be close from October 29 – November 4, 2021 and will be open again by November 5-15, 2021.” bahagi ng pampublikong anunsyo ng Diocese of Iligan.

Sa pamamagitan naman ng isang liham sirkular ay binigyang diin ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa mga mananampalataya ang kahalagahan ng pananalangin para sa mga yumao at mga banal ng Simbahan sa nalalapit na paggunita ng All Saints at All Souls Day.

Paliwanag ng Obispo, bagamat pansamantalang magsasara ang mga Catholic Cemeteries sa diyosesis upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus ay maaari namang patuloy na gunitain ng bawat isa ang pag-aalala sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa taimtim na pananalangin.

“We do not forget the essential practice of praying for the dead even if Catholic cemeteries in the Diocese of Daet will be temporary closed from October 29 to November 4, 2021 to avoid large gathering of people while COVID-19 remains a threat.” panawagan ni Bishop Alarcon sa kanyang liham sirkular.

Kapwa naman nanawagan ang Diocese of Daet at Iligan sa mamamayan na magtutungon sa mga sementeryo bago ang nakatakdang pagsasara ng mga nito upang patuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na safety health protocol gaya ng pagsusuot ng face masks, face shields at pagtiyak ng social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Matatandaang noong nakalipas na taong 2020 ay ipinag-utos rin ng IATF ang pagsasara sa lahat ng mga sementeryo sa buong bansa upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 virus dahil sa nakaugalian ng pagsisiksikan at pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo tuwing sasapit ang Undas.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,427 total reads

 4,427 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,555 total reads

 4,555 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 9,075 total reads

 9,075 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 65,479 total reads

 65,479 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 188,983 total reads

 188,983 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 274,022 total reads

 274,022 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top