NDRRMC, tiniyak ang kaligtasan ng evacuees sa COVID19 transmission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 396 total reads

Isa sa mga isinasaalang-alang ng publiko sa panahon ng sakuna ang posibilidad ng COVID-19 transmission lalo na sa mga evacuation centers.

Ito ang sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal hinggil sa mga nararanasan ngayon sa pagpapalikas sa mga residenteng apektado ng mga sakuna partikular na ang bagyo.

Ayon kay Timbal, nitong nanalasa ang bagyong Maring sa bansa lalo na sa Hilagang Luzon, karamihan sa mga tao ang nag-alinlangang magsilikas dahil sa pangambang mahawaan ng COVID-19 habang nasa loob ng mga evacuation centers.

“Matindi pa rin ‘yung concern talaga ng tao when it comes to covid-19. Kasi half of the evacuated population opted to stay doon sa mga kamag-anakan nila, not in evacuation centers. Ibig sabihin, some people are still concern na baka magkasakit sila with covid-19 ‘pag nasa evacuation center. And this also translate dun sa hesitance din nung iba nating kababayan na mag-evacuate,” pahayag ni Timbal sa panayam sa Barangay Simbayanan.

Kaugnay nito, tinitiyak naman ng NDRRMC ang kaligtasan ng mga tao laban sa sakuna at COVID-19 transmission sa simula pa lamang ng paglikas hanggang sa maihatid sa evacuation centers ang mga higit na apektado.

Dagdag pa ni Timbal na sa ganitong sitwasyon, maaaring magsagawa ng COVID-19 procedures ang mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga apektadong residente laban naman sa virus.

“Pagdating sa evacuation center, doon the local government units can implement antigen testing, rapid testing para ma-check nila kung mayroon nga pong may sakit na possible na COVID-19… Tapos ‘pag nandun na ‘yung mga tao, continuing ang health monitoring para agad na ma-isolate at contact tracing,” saad ni Timbal.

Ang Bagyong Maring ang ika-13 bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon at nakaapekto sa humigit-kumulang 160,000-pamilya sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas at Caraga Region.

Samantala, naitala naman ng Department of Health ang 4,405-panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan aabot na ngayon sa 57,763 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso nito.

Habang umabot na sa 2,661,602 ang kabuuang bilang ng mga gumaling at 41,942 naman ang bilang ng mga nasawi dulot ng virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 88,017 total reads

 88,017 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 165,548 total reads

 165,548 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 198,996 total reads

 198,996 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 234,294 total reads

 234,294 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 457,375 total reads

 457,375 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,046 total reads

 158,046 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top