Green banking policy ng BSP, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total reads

Muling nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pamahalaan na pagtibayin ang mga hakbang na babawas sa pag-gamit ng karbon upang maiwasang lumala ang Climate Change.

“We reiterate, however, that we do not have time to delay the transition to a low-carbon society. Any sustainability framework from our government agencies must be measured against highest possible ambitions in alignment to climate goals,” pahayag ng Obispo sa Radio Veritas.

Inihalimbawa ni Bishop Alminaza, Vice-Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP ang inisyatibo ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) na paglulunsad ng Phase 2 Sustainable Finance Framework (SFF) na layuning maisulong ang ‘Green Banking Policy’.

Ang SSF na inilunsad ng BSP noong Abril 2020 ay may layuning baguhin at ituon ang mga investment ng bawat banko sa mga programa at proyektong makakabuti para sa kalikasan sa loob ng tatlong taon.

Ikinagalak din ni Bishop Alminaza ang inisyatibo ng BSP dahil hudyat ito ng pagpapatuloy ng mga hakbang ng pamahalaan upang mahimok ang mga nangungunang bangko sa bansa upang tuluyang iwaksi at ipatigil ang pagsuporta sa mga industriyang kabilang o kaugnay sa mga coal-fired power plants.

“The government indeed has the responsibility of providing guidance in our transition pathways, and BSP is certainly making a step in this direction for the finance sector. Along with efforts of communities and civil society movements in demanding climate-aligned policies from banks, we believe the SFF’s phase 1 from April 2020 helped make an impression among bank decison-makers, such that since then at least three of our biggest banks – BPI, DBP, and RCBC – came up with announcements on plans to stop or restrict funding coal, the dirtiest fossil fuel which unfortunately provides much of the power our country uses today,” ayon pa kay Bishop Alminaza.

Nanawagan rin ang Obispo sa bawat mamamayan na himukin ang bawat bangko sa bansa na paigtingin ang mga hakbang na makakabuti para sa kalikasan at susunod na henerasyon.

“Let us encourage them to hasten in their journey to sustainability by assuring and reminding them that a future powered by clean and affordable renewable energy is what we want for ourselves and for generations to come,” dagdag pa ni Bishop Alminaza

Ikinatuwa rin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary for Climate Change Service and Mining Concerns Atty. Analiza Rebuelta-Teh ang inisyatibo ng BSP.

kaakibat ng SFF ang BSP Circular No. 1085 na layuning ipatupad ang pagkakaroon ng mga plano sakaling maapektuhan ng natural na kalamidad ang mga bangko upang hindi maapektuhan ang pagiging balanse ng ekonomiya.

“Ang Denr ay binabati at pinapasalamatan ngugod ang Bsp sa ganitong inisyatiba. Ang climate change ay may malaking epekto sa paghadlang sa pag-unlad ng mga bangko. Dahil sa pagkasira ng imprastruktura, agrikultura, paaralan, kabuhayan , ang mga bangko ay nakakaranas ng pagbaba ng pautang, pagkabawas ng mga deposito at pagdami ng non performing loans. Kaya maging ang sektor ng bangko ay kailangang umaksyon laban sa climate related hazards,” pahayag ni Atty Teh sa Radio Veritas.

Nanawagan rin ang Opisyal sa mga mamamayan na magkaroon ng pagpapanibago sa naka-ugaliang paraan ng pamumuhay na nakakasama sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,061 total reads

 77,061 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,308 total reads

 155,308 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,755 total reads

 188,755 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,052 total reads

 224,052 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,496 total reads

 447,496 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top