CBCP Permanent Committee on Public Affairs, nakikiisa sa 34th Pridon Awareness week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 526 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs sa paggunita ng 34th Prison Awareness Week ngayong taon mula ika-25 hanggang ika-31 ng Oktubre, 2021.

Ayon kay Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista chairman ng komite, patuloy ang pagmamalasakit ng buong Simbahan sa Pilipinas para sa kapakanan ng mga bilanggo hindi lamang sa pamamagitan ng pananalangin kundi maging sa pagkakaloob ng anumang tulong o suporta ngayong pandemya.

Partikular na tinukoy ng Obispo ang mga prison chaplains at voluntees na nagsisilbing personal na tagapaghatid ng Simbahan ng tulong at pagmamalasakit para sa mga bilanggo.

Paliwanag ni Bishop Evangelista, bagamat ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa mga bilangguan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 ay hindi naman nakalilimot ang Simbahan sa kapakanan ng mga bilanggo.

“Kayo [Persons Deprived of Liberty] ay pinagmamalasakitan namin sa pamamagitan ng mga chaplains, ng mga volunteers na bumibisita sa inyo pero syempre dahil sa panahon ngayon ng pandemya pinagbawalan ang pagbisita sa inyo. Gayunpaman, hindi kami nakakalimot para kayo ay ipagdasal, para kayo ay aming padalhan ng tulong kung ano man ang aming makakaya.” Ang bahagi ng mensahe ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista para sa 34th Prison Awareness Week.

Pagbabahagi ng Obispo, ang paggunita ng 34th Prison Awareness Week ngayong taon ay higit na makabuluhan lalo na’t ipinagdiriwang rin ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyanismo sa Pilipinas na mayroong temang ‘Gifted to Give’.

Ayon kay Bishop Evangelista, ang magkaalinsabay na paggunita ng 34th Prison Awareness Week at 500 years of Christianity in the Philippines ay isang paanyaya para sa bawat isa upang ibahagi ang biyayang ipinagkaloob ng Panginoon sa kapwa partikular na sa mga nangangailanga tulad ng mga bilanggo.

Kabilang sa mga tiniyak ng Obispo ay ang patuloy na pagkakaloob ng Simbahan ng pagmamahal, suporta at pag-asa sa mga bilanggo bukod pa sa mga materyal na pangangailangan ng mga ito.

“Ngayon tayo ay nasa ika-500 taon ng ating pagiging Kristiyanong bansa, tinanggap natin ang pananampalatayang Kristiyano 500-taon na ang nakakaraan tayo ay pinagkalooban ng biyaya ng pananampalataya at ang tema ng pagdiriwang ay ‘Gifted to Give’ pinagkalooban para magkaloob din. Kayo [Persons Deprived of Liberty] ay patuloy naming na pagkakalooban ng pagmamahal, bibigyan naming kayo ng suporta, pag-asa at iba pa ninyong pangangailangan sa aming makakaya, alam ninyo ito sa iba’t ibang paraan ako bilang inyong Obispo ay naghihikayat ng mga pari, madre, volunteers para kayo ay madalhan ng mga tulong.” Dagdag pa ni Bishop Evangelista.

Tema ng 34th Prison Awareness Week ngayong taon ang “The Jail / Prison Chaplains and Volunteers: Gifted To Give Love that Restores Life, Hope and Healing to the Prison Community” na layuning bigyang pagkilala ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga naglilingkod sa mga bilangguan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 72,269 total reads

 72,269 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,804 total reads

 150,804 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 184,252 total reads

 184,252 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 219,549 total reads

 219,549 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 443,148 total reads

 443,148 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top