Covid 19 cases sa bansa, patuloy sa pagbaba

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total reads

Patuloy na binabantayan ng OCTA Research Group ang pagbaba ng COVID-19 positivity rate sa National Capital Region at iba pang lalawigan sa bansa habang papalapit ang Pasko.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang less than five percent positivity rate sa Metro Manila ay ang naaangkop at nagpapakita ng patuloy na pagbaba sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

“This is an ideal number recommended by the World Health Organization. So, ‘pag less than five percent, ibig sabihin we are testing enough and it also means na dahil bumaba ‘yung positivity rate natin all the way from 25 percent ng peak ng surge to five percent now, ibig sabihin hindi malaking factor ‘yung kakulangan sa testing. In fact, we have enough testing right now,” pahayag ni David sa Laging Handa public briefing.

Samantala, sinabi rin ni David na hindi lamang sa Metro Manila naitatala ang pagbaba ng kaso ng COVID-19, kundi maging sa iba pang rehiyon sa bansa.

Paliwanag nito na sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa, maaaring umabot na lamang sa 2,000 kada araw ang maitalang kaso sa katapusan ng Nobyembre at posible ring magtuloy-tuloy hanggang Pasko.

“Overall, pababa na ang trend sa bilang ng kaso sa most provinces and [local government units] sa buong Pilipinas. Mukhang gumaganda na ang sitwasyon, sana patuloy na ito hanggang Pasko,” ayon kay David.

Batay sa huling tala ng Department of Health, umabot sa 3,117 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa na nagresulta naman sa 43,185 kabuuang bilang ng aktibong kaso.

Sa kasalukuyan, nasa humigit-kumulang 59 na milyong dose na ng COVID-19 vaccine ang naipamahagi sa buong bansa, kung saan nasa 27-milyong Filipino na ang fully vaccinated habang nasa halos 32-milyon naman ang nakakatanggap pa lamang ng unang dose.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,089 total reads

 4,089 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 27,971 total reads

 27,971 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,531 total reads

 68,531 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,124 total reads

 95,124 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,390 total reads

 143,390 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,204 total reads

 164,204 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,075 total reads

 129,075 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top