Archdiocese of Lipa kakatok sa pinto ng mga dukha at mamahagi ng tulong

SHARE THE TRUTH

 541 total views

Ilulunsad ng Arkidiyosesis ng Lipa ang sampung araw na paggunita sa ‘World day for the poor’ sa November 14 2021.

Inihayag ni Lipa Archdiocesan Social Action (LASAC) Director Rev. Fr.Jayson T. Siapco na magsisimula ang paggunita ng Arkidiyosesis sa ika-14 ng Nobyembre hanggang sa ika-24 ng buwan.

“Ngayong panahon ng pandemya marami po ang pinalad, marami din ang hindi pinalad, mapalad dahil matapos ang COVID sila ay nakaligtas, marami ang hindi pinalad dahil marami ang nawalan ng trabaho na hanggang ngayon wala pang trabaho, marami ang mayroon paring sakit, maraming pamilya ang naghirap, sila na mga hindi pinalad ang gustong patungkulan ni Papa Francisco sa pandaigdigang araw ng mga dukha ngayon November 14 at sa Arkidiyosesis ng Lipa mas mahabang panahon ang gugugulin nating mga araw para sa mga dukha Mula November 14 hanggang November 24 2021” Ayon sa mensahe ng Pari.

Pagbabahagi ni Fr.Siapco, kaakibat ang ‘Formation Series’ na matutunghayan sa official Facebook Page ng LASAC tuwing miyerkules ay ang inisyatibo mismo ng mga simbahan sa Arkidiyosesis ang kakatok, lalapit at mamamahagi ng tulong sa mga mahirap at nangangailangan.

Ayon kay Fr. Siapco, sa November 14 ay magtalaga ang mga parokya ng Archiodiocese of Lipa ng mga Kindness station.

Sa ika-24 ng Nobyembre, g idadaos sa Lipa ang “Red Wednesday” na itinakdang araw sa paglulunsad ng mga ‘Care-Avan’ na pangunahing mamamahagi ng tulong sa mga mahihirap.

“Mayroon tayong formation series na ginagawa tuwing araw ng Miyerkules via Facebook page ng LASAC, mayroon din po tayong kindness station na gaganapin sa araw ng world day of the poor sa November 14 na pangungunahan ng ating mga parokya at ang kahuli-hulihan sa November 24 ito po yung tinatawag na ‘Red Wednesday’ na sa Arkidiyosesis ng Lipa ang araw ng miyerkules- araw ng pagtulong, gaganapin naman natin dito ang Wednesday Care-Avan, Sa Wednesday Care-Avan ang simbahan, ang Arkidiyosesis ang tutungo sa mga bahay para tumulong.ang ganda po ipinapakita mula sa labas sila yung kumakatok, nagbibigay ng tulong, baligtad sa nangyayari, ang nangyayari lagi ang mahihirap ang kumakatok sa pintuan ng mga makakatulong,” ayon pa sa Pari.

Nananawagan din si Fr.Siapco sa lahat mamamayan na mag-abot ng tulong at donasyong pinansyal sa layunin ng LASAC na makalikom ng Php12-milyong piso para sa mga nakahandang programa.

“Nangangailangan po at sumusuntok kami sa buwan at umaasa sa Diyos na makalikom tayo ng 12-milyong piso para sa mga parokya ng Arkidiyosesis ng lipa, para sa mga dukhang napapaloob sa mga parokyang ito, inaanyayahan ko po unang-una ang mga business sectors maliit,katamtaman, small, medium, o yung malalaking mga business establishment dito sa probinsya ng batangas,” panawagan ng Pari.

Ang malilikom naman sa donation drive ng ay gagamatin upang ipambili ng mga pangangailangan higit na ang mga kagamitang makakatulong upang makaiwas sa banta ng COVID-19 ang mga mahihirap.

Hinimok ng pari ang mga Good Samaritan na maglaan ng Isang libong piso at anumang makakayanang halaga na ipadala sa pakikipag-ugnayan at paghahatid ng mensahe sa LASAC.

Ang “World day for the Poor” na inilunsad ng Kaniyang Kabanalang Francisco noong 2016 ay taunan ng ginugunita ng simbahang katolika upang bigyan ng araw ng pag-alala ang mga mahihirap at nangangailangan sa lipunan na ngayong taon ay mayroong Temang “The poor will always have with you,”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,612 total views

 21,612 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 39,025 total views

 39,025 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,669 total views

 53,669 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,507 total views

 67,507 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,583 total views

 80,583 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

YSLEP, kinilala ng MOP

 5,064 total views

 5,064 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »
Scroll to Top