Pagnanakaw at pagputol sa video contents ng “Sa Madaling Sabi” reflections sa political propaganda, tinuligsa ng Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 783 total views

Nilinaw ng ‘Sa Madaling Sabi ni Fr. Franz Dizon’ ang kumakalat na video na ginamit ng ilang grupo para sa political propaganda laban sa isang kandidato.

Sa opisyal na pahayag ni Radio Veritas anchor-priest Fr. Franz Dizon, dismayado ito sa paggamit ng kanilang video contents ng mga pagninilay ng walang kaukulang pahintulot at paglilihis sa tunay na mensahe.

“Tahasan naming ipinahahayag ang aming pagkadismaya sa pagtatangkang ‘nakawin’ at ‘putulin’ ang mga content para sa propagandang pampulitika,” pahayag ni Fr. Dizon.
Iginiit ng pari na hindi makatarungan ang paggamit ng kanilang content na walang pahintulot at taliwas sa intensyong ibahagi ng Salita ng Diyos.
Batay sa caption na inilagay ng grupong nag-upload ng cut version ng homiliya patungkol kay Vice President Leni Robredo.

Ipinaliwanag ni Fr. Dizon na ang pagninilay ay hindi patungkol sa sinumang kandidato kundi pagbibigay gabay lamang sa mamamayan sa mga katangiang dapat taglayin ng magiging pinuno ng lipunan.

“Ito ay mga tagubilin para sa mga botante na maging mapanuri ayon sa mga katangian na panukala ng Salita ng Diyos; nanindigan kami sa gampanin ng Simbahang gabayan ang pagpapasya ng mga mamamayan lalo na ang mga Kristiyano,” ani Fr. Dizon.

Nanindigan din ang pari na hindi magkasalungat ang kanilang pagninilay ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sapagkat magkaiba ang paksa na kanilang tinalakay.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pahayag ni Archbishop Villegas sa usapin ng vote buying na pilit inilihis ng mga kritiko sa tunay na mensahe nito.

“Gayundin naman, wala kaming pagtutol sa kanyang [Archbishop Soc Villegas] mga itinuro sapagkat hindi ito taliwas sa Salita ng Diyos at doktrina ng Simbahang Katolika,” ayon pa ni Fr. Dizon.

Kaugnay dito, pinaigting din ng Radio Veritas ang ‘One Godly Vote’ campaign na layong matulungan ang 63 milyong botante na pumili ng mga karapat dapat na lider ng bansa na mamumuno sa susunod na anim na buwan.
Paalala ng simbahan sa mamamayan ang pangunahing katangian na pagbabatayan sa paghalal ang Maka-Diyos, Makatao, Makabayan at Makakalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 38,052 total views

 38,052 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 81,660 total views

 81,660 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 165,495 total views

 165,495 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 179,828 total views

 179,828 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top