Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Radio Veritas 846, Teleradyo na!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,931 total views

Tiniyak ng media arm ng Archdiocese of Manila ang pagpapaigting sa ebanghelisasyon sa pamamagitan ng media platforms.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas 846 palalawakin ng himpilan ang pagsasahimpapawid upang higit pang lumaganap ang mabuting balita ng Panginoon.

Ang mensahe ng pari ay kasunod ng paglunsad ng Veritas Teleradyo sa Sky Cable channel 211.

“Palawakin pa natin ang ating reach para mas maikalat pa natin ang misyon ng simbahan lalo ngayong new normal; kaya’t sa araw na ito ng mga banal tayo ay nagpapasalamat sa Diyos at nabiyayaan tayo ng bagong platform ang Teleradyo,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Inaanyayahan ni Fr. Pascual ang Kapanalig community na suportahan ang Veritas Teleradyo kung saan bukod sa mapakikinggan ay mapapanuod na rin ang mga anchors sa kani-kanilang programa.

Itinuring ng opisyal na magandang kaloob ang pagkakaroon ng teleradyo ng Radyo ng Simbahan na maituturing na konkretong hakbang sa pagsasabuhay ng misyon sa makabagong panahon.

Isa sa mga tampok na program lineup ng Veritas 846 na mapapanuod sa teleradyo ang banal na misa apat na beses araw-araw tuwing alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali, alas sais ng gabi at alas dose ng hatinggabi na may pagtatanghal ng Banal na Sakramento.

Napapanahon ang paglunsad ng teleradyo kung kailan ipinagdiwang ng Pilipinas ang 500 Years of Christianity.
Bukod sa teleradyo patuloy na mapakikinggan ang himpilan sa Cignal Cable TV channel 313, E-Radio portal at sa social media na Twitter, Instagram, YouTube at Facebook sa @RadyoVeritasPh.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 72,842 total views

 72,842 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 118,565 total views

 118,565 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 120,775 total views

 120,775 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 191,567 total views

 191,567 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 198,462 total views

 198,462 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top