Ipatupad ang single-use plastic ban sa Pilipinas.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 846 total reads

Hinihiling ng Oceana Philippines na ganap nang ipatupad ang single-use plastic ban sa bansa.

Ito’y matapos lumabas sa pag-aaral ng Coastal Resources and Ecotourism Research, Development and Extension Center (CRERDEC) ng Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) na maraming microplastic ang natagpuan sa mga karagatan ng bansa.

Ayon kay Oceana vice president, Atty. Gloria Estenzo Ramos na ang isinagawang pag-aaral ng pamahalaan ay nagpapatunay lamang sa mga babala at panawagang lutasin ang lumalalang polusyon ng plastic sa karagatan na maaari pang magdulot ng mas matinding pinsala sa paglipas ng panahon.

“Ang mga [microplastic] ay nalulunok ng mga hayop sa katubigan na kinakain naman ng mga tao. Hindi maglalaon ay malalagay sa peligro ang buhay at kalusugan nating lahat, maging ang mga pagkain natin at ng ating mga susunod na salinlahi,” pahayag ni Ramos.

Samantala, ikinabahala at ikinalungkot naman ni PANGISDA Pilipinas President Pablo Rosales ang resulta ng nasabing pag-aaral.

Sinabi nito na ang kanilang pinakakaingatang pinagkukunan ng hanapbuhay at pagkain ay basta-basta na lamang masisira ng dahil sa mga basura sa karagatan.

“Nakakatakot na ang pangunahing pinagkukunan namin ng pagkain para sa aming mga pamilya ay maaaring malason ng plastik. Paano na kaya ang kabuhayan namin kung hindi na rin maaaring kainin ang mga hinuhuli naming isda? Nakakalungkot malaman na ang pinoprotektahan at inaalagaan naming mga mangingisda ay unti-unti namang sinisira ng basurang plastik,” ayon kay Rosales.

Saklaw ng nasabing pag-aaral ang Manila Bay, Subic Bay, Lamon Bay, Boracay Island, Taklong Island National Marine Reserve, Davao Gulf, Butuan Bay, Iligan Bay, Apo Reef Natural Park, at ang Tañon Strait Protected Seascape, partikular sa Badian at Moalboal sa Cebu na nakitaan ng pinakamaraming konsentrasyon ng microplastics.

Batay sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, isa sa mga tungkulin ng National Solid Waste Management Commission ang paglalabas ng listahan ng Non-Environmentally Acceptable Products and Packaging kung saan kabilang dito ang single-use plastics.

Sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, sinabi nitong mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 62,334 total reads

 62,334 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 82,381 total reads

 82,381 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 160,771 total reads

 160,771 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 205,081 total reads

 205,081 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 240,017 total reads

 240,017 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 114,317 total reads

 114,317 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top