Pagbubuklod ng pamayanan, tema ng ika-55 world day of peace 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 691 total reads

Nakatuon sa pakikitungo at pagbubuklod ng pamayanan ang tema ng ika – 55 World Day of Peace sa susunod na taon.

Sa inilabas na pahayag ng Dicastery for Promoting Integral Human Development tinukoy ng Kanyang Kabanalan Francisco ang tatlong mahalagang gawain sa pagkakamit ng maayos at matiwasay na lipunan.

“Pope Francis thus identifies three vast contexts today in full mutation, in order to propose an innovative reading that responds to the needs of current and future times, inviting everyone “to read the signs of the times with the eyes of faith, so that the direction of this change should raise new and old questions which it is right that we should face,” bahagi ng pahayag ng tanggapan.

Napiling tema sa pandaigdigdang pagdiriwang ang “Education, work and dialogue between generations: tools for building lasting peace” kung saan binibigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mamamayan sa pagkakamit ng kapayapaan.

Hamon ng Santo Papa sa bawat isa ang pagninilay kung paano makatutulong ang edukasyon sa paghubog ng pundasyon ng kapayapaan at pagtataguyod sa katarungang panlipunan.

Ayon pa sa punong pastol ng simbahan, dapat suriin ng mamamayan kung isinasabuhay ng bagong henerasyon ang pakikipagkapwa tao at ang mga pamahalaan ay matagumpay na nagsulong ng kapayapaan sa pamayanan.

Tuwing January 1 ipinagdiriwang ng simbahan ang World Day of Peace na pinasimulan ni Pope Paul VI na pinagtibay sa kanyang mensahe noong December 1967.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 33,261 total reads

 33,261 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 66,595 total reads

 66,595 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 98,740 total reads

 98,740 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 164,797 total reads

 164,797 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 181,894 total reads

 181,894 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top