Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tree planting project, inilunsad ng MEFP sa Amparo village nature’s park

SHARE THE TRUTH

 650 total views

Inilunsad ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines (MEFP) ang Tree Planting Project sa Amparo Village Nature’s Park sa Caloocan City bilang tugon sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ensiklikal na Laudato Si’.

Pinangunahan ito ng ME Buklod 1 Community sa pamumuno nina Bro. Jun at Sis. Aida Albino, katuwang ang Laudato Si’ Committee sa pangangasiwa nina Bro. Pheng at Sis. Arlene Donarber.

Ayon kay Albino, malaki ang naitulong ng proyekto sa paghubog ng kanilang kaalaman upang matugunan ang mga suliraning pangkalikasan.

“Nawa dito sa aming naumpisahan lalong-lalo na ang aming community, ito’y magsilbing isang halimbawa. Makita ng iba upang masundan at higit sa lahat ay maging isang halimbawa na makatulong kung paano iingatan at aalagaan ang ating inang kalikasan,” pahayag ni Sis. Aida Albino sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala sinabi naman ni Laudato Si’ Committee member Atty. Aileen Torre, na ang proyekto ng MEFP ay nakatulong para pagbuklurin ang komunidad tungo sa pangangalaga ng kalikasan.

“Nakakatulong ito sa aming community kasi nagkakaroon kami ng pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod sa iisang hangarin, which is the protection of the environment,” saad ni Torre.

Dumalo rin sa pagtitipon si MEFP President Robert Aventajado kung saan iginiit ang kahalagahan ng ecological conversion na panawagan ng Santo Papa tungo sa pagpapalaganap ng wastong pangangalaga ng nag-iisang tahanan.

“‘Yung pagbabago ng lifestyle, hindi lamang sa pagtatanim ng puno; ibig sabihin umpisa sa bahay mo, sa sarili mo, ‘yung pag-uugali, kung paano ka kumikilos [ay] palaging nasa puso mo. Nasa dibdib mo ang pagprotekta ng planeta,” ayon kay Aventajado.

Aabot sa 4,000 tree seedlings ang ipinamahagi ng Department of Environment and Natural Resources upang maisakatuparan ang proyekto.

Samantala, nagpaabot ng pagbati at pasasalamat si MEFP Bishop Protector, Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr., sa inisyatibong pagtatanim ng mga puno na nagpamalas ng konkretong halimbawa upang mapangalagaan ang kapaligiran.

“I know, it is your response to the call of Pope Francis sa Laudato Si’ initiative to take care of our single home. Kaya nga po ako’y nagpapasalamat at nagsasabi sa inyong congratulations because I know, ito ang simula and you will be living witnesses of our being stewards of the creation that our creator entrusted to us,” ani Bishop Maralit.

Sa mensahe naman ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines incoming President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sinabi nito na kinakailangan ng daigdig ang sama-samang pagkilos upang mailigtas ang kalikasan laban sa tuluyang pagkasira alang-alang sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“We have to unite ourselves in saving our planet. Wala hong alternative planet. Walang planet B, you know. And at the rate that we are destroying our planet, you know, we’re really accountable to the next generation for the injustice that we are committing,” ayon kay Bishop David.

Ang MEFP ay samahan ng mga mag-asawa sa Pilipinas na kinabibilangan ng 86 na grupo na may tinatayang 500-libong couple members sa buong bansa.

Suportado naman ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang proyekto ng grupo hinggil sa pangangalaga ng kalikasan.

Tiniyak rin ni Malapitan na patuloy itong susuporta at tutugon sa mga programa at proyekto ng simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,390 total views

 73,390 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,385 total views

 105,385 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,177 total views

 150,177 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,127 total views

 173,127 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,525 total views

 188,525 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 635 total views

 635 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,697 total views

 11,697 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,521 total views

 6,521 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top