Cardinal Advincula, nanawagan ng circle of discernment para sa 2022 polls

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,641 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na ituon ang sarili kay Kristo sa lahat ng aspeto ng buhay.

Ito ang mensahe ng cardinal sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari kung saan ang puso at damdamin ng bawat isa ay nakatuon ky Hesukristong nililitis sa harap ni Poncio Pilato at ng taumbayan.

“Nawa’y iluklok nating Hari si Kristo sa lahat ng aspeto ng ating buhay, lipunan, simbahan, tahanan, pamahalaan, pulitika, ekonomiya at kultura,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Tinukoy din ng Arsobispo ang nalalapit na 2022 National and Local Elections na isang natatanging pagsasanay at mahalagang kabanata sa kasaysayan ng bansa.

Iginiit ng Kardinal ang kahalagahan ng tungkulin ng bawat botante sa paghalal ng mga karapat-dapat na pinuno ng bayan.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan na piliin ang katotohanang hatid ng Panginoong Kristong Hari sa pagpili ng mga mamumuno ng lipunan na may pagpapahalaga sa dignidad ng nasasakupan at pagsusulong ng kabutihang panlahat.

“Panalangin ko na mamayani sa ating lipunan ang paggalang sa dignidad ng tao (respect for human dignity), kabutihang pangkalahatan (common good), katarungang panlipunan at pagmamahalan (social justice and societal charity) at natatanging pagkiling sa mga dukha (preferential option for the poor),” giit ni Cardinal Advincula.

Ang panawagan ng punong pastol ng Maynila ay tugma rin sa layunin ng ‘One Godly Vote’ campaign ng Radio Veritas na palawakin ang voter’s education sa 63 milyong botante at tulungang kilalanin ang bawat kumandidatong indibidwal.

Isinusulong ng voter’s education campaign ng himpilan ang pagkilala sa katauhan ng mga personalidad na lumahok sa halalan bilang gabay sa paghalal ng mga taong isusulong ang kabutihan ng mga Filipino.

“Pananawagan ko’y bumuo tayo ng ‘Circles of Discernment’ upang marinig at masunod natin ang Banal na Kalooban ng Diyos; panalangin ko rin ay pumasok tayo sa isang masusing pag-aaral ng mga programa at plataporma ng bawat kandidato, suriin at balikan natin ang ating kasaysayan at matuto sa mga aral nito,” ani ng Cardinal.

Ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika sa huling Linggo ng Karaniwang Panahon bago ang Adbiyento o paghahanda sa kapanganakan ni Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,437 total reads

 78,437 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,076 total reads

 126,076 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,947 total reads

 173,947 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,895 total reads

 277,895 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,350 total reads

 360,350 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top