Diocese of Tagbilaran, nagpapasalamat sa Quiapo church sa ipinagkaloob na replica image ng black nazarene

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 653 total reads

Nagpasalamat ang Diyosesis ng Tagbilaran sa pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa pangunguna ni Msgr. Hernando Coronel sa kaloob na replica image ng Mahal na Poong Nazareno.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Alberto Uy, makabuluhan ang kaloob na imahe ng Poong Nazareno upang maipalaganap ang debosyon sa Panginoong Hesus sa diyosesis na nagdiwang ng ikawalong dekada mula nang maitatag.

“So grateful to Quiapo Church (Shrine of the Black Nazarene) for giving us a replica image of Poong Nazareno. This is a priceless gift received by the Diocese of Tagbilaran on the occassion of its 80th Foundation Anniversary,” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Dumating sa Bohol ang imahe ng Poong Nazareno noong November 20 kung saan sinalubong ito ng ilang pari at mananampalataya ng diyosesis at nagsagawa ng motorcade mula paliparan hanggang sa St. Joseph Cathedral Shrine and Parish sa Tagbilaran City at isinagawa ang pagbabasbas at acceptance ng poon sa pangunguna ni Bishop Uy.

Bahagi rin ito ng pagpapalawak ng Quiapo Church ng debosyon sa Poong Nazareno lalo’t ipinagdiriwang ng bansa ang 500 Years of Christianity.

Kaugnay nito, patuloy naman ang paghahanda ng basilica sa nalalapit na Traslacion 2022 sa Enero na inaasahang ipapatupad pa rin ang limitadong pagdiriwang ng pista dahil sa pandemya.

Dahil dito, bibisita ang imahe ng Poong Nazareno sa mga lugar ng North at South Luzon, National Capital Region at multi-sectoral organizations sa Kamaynilaan upang maiwasang dumagsa ang mga deboto sa simbahan ng Quiapo sa araw ng Pista.

Bukod sa Diyosesis ng Tagbilaran, aktibo rin ang debosyon sa Poong Nazareno sa Cagayan De Oro at ilang lugar sa Mindanao.

Pansamantalang inilagak ang replica image ng Poong Nazareno sa Our Lady of Assumption Parish sa Dauis Bohol habang tinatapos ipinagawang Shrine na inilaan ng diyosesis sa poon.

Nagbahagi naman ng ilang panayam sina Fr. Danichi Hui at Fr. Earl Allyson Valdez pawang parochial vicar ng Quiapo Chruch sa mananampalataya ng Tagbilaran kaugnay sa debosyon ng Mahal na Poong Nazareno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 3,690 total reads

 3,690 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 41,071 total reads

 41,071 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 72,342 total reads

 72,342 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 149,636 total reads

 149,636 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 243,673 total reads

 243,673 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top