Hindi pa bakunado laban sa COVID 19, hinikayat ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 494 total reads

Hinihikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga hindi pa bakunado na makiisa sa vaccination program ng pamahalaan.

Sa video message ni CBCP-Social Communications Ministry Chairman at Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit, bagamat nagpositibo sa COVID-19 ay hinihikayat nito ang publiko na makibahagi sa Bayanihan Bakunahan – National Vaccination Days.

“Kapag kayo po ay nakiisa sa vaccination program, hindi lamang po ninyo tinutulungan ang sarili ninyo, tinutulungan po ninyo ang lipunan natin. At dahil dito, tayo po’y nakikiisa din sa mga biyayang bigay sa atin ng Diyos,” ayon kay Bishop Maralit.

Si Bishop Maralit ay kasalukuyang nakakaranas ng mild symptoms ng COVID-19 at patuloy na nagpapagaling sa ospital sa Lucena, Quezon.

Giit ng opisyal ng CBCP na malaking tulong ang pagpapabakuna dahil nababawasan ang posibilidad ng malalang epekto ng virus sa katawan.

“Sa palagay ko po kung hindi ako na-vaccine or na-vaccinate ay baka hindi lang ho [ito] ang dinaanan ko,” saad ng obispo.

Samantala, nagpapasalamat naman ang obispo sa mga medical frontliners na patuloy na nagbibigay ng lunas para sa kanyang agarang paggaling.

“Malaking pasasalamat ko po sa lahat ng mga doktor, mga frontline workers natin, mga health workers na kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko alam kung anong klaseng COVID ang aking kinaharap,” ayon kay Bishop Maralit.

Batay sa huling tala, nasa 2.5 milyong Pilipino na ang kasalukuyang bilang ng mga nabakunahan sa isinasagawang vaccination days.

Nilalayon ng pamahalaan na mabukanahan ang nasa 9 na milyong Pilipino sa three-day vaccination drive na nagsimula noong November 29 at magtatagal hanggang December 1, 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 17,382 total reads

 17,382 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 53,883 total reads

 53,883 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 274,503 total reads

 274,503 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 309,172 total reads

 309,172 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 324,044 total reads

 324,044 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 96,597 total reads

 96,597 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top