End AIDS, end inequalities

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 786 total reads

Hinimok ng healthcare ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na patuloy na kalingain ang mga higit na nangangailangan lalo na ang mga may karamdaman.

Ito’y ayon kay Camillian Priest Father Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care hinggil sa paggunita sa World AIDS Day tuwing unang araw ng Disyembre.

Sinabi ni Fr. Cancino na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin mabigyang-lunas ang diskriminasyon sa mga mayroong malulubhang karamdaman tulad ng HIV/AIDS..

“Kung hindi tayo gagawa ng bold action para alisin ang inequalities at inequities sa sistema ng pamahalaan at lipunan; maalis ang mga polisiya na nagpapa-discriminate…siguradong may mga kapanalig tayong hindi makakasalo sa hapag ng Panginoon dahil iilan lamang ang nakikinabang,” pagninilay ni Fr. Cancino sa Healing Mass sa Veritas.

Tema ngayong taon ang “End inequalities. End AIDS. End pandemics” na hinihikayat ang mamamayan na kumilos upang malunasan ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan na nagiging sanhi rin ng pagkakaroon ng mga malalang karamdaman tulad ng HIV/AIDS at pandemya.

“Gumawa tayo ng aksyon at desisyon na talaga namang mapoprotektahan lalong lalo na ang mga nangangailangan, ang mga vulnerable, ang mga populasyon na madaling mahawa ng mga may karamdaman. Ito na ‘yung panahon,” ayon sa pari.

Batay sa huling tala ng HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP), umabot na sa humigit kumulang 91,000 ang bilang ng mga Pilipinong may HIV/AIDS mula Enero 1984 hanggang nitong Setyembre 2021.

Nangangahulugan ito na bahagyang tumaas ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa ngayong taon kung saan naitala ang 33 kaso kada araw kumpara sa 22 kaso kada araw noong 2020.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 81,207 total reads

 81,207 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 128,686 total reads

 128,686 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 176,557 total reads

 176,557 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 280,505 total reads

 280,505 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 362,848 total reads

 362,848 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 167,381 total reads

 167,381 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top