Pagpapabakuna hindi magtatapos sa national vaccination days

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 521 total views

Hindi nagtatapos sa vaccination days ng pamahalaan ang pagkakataon upang makapagpabakuna ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni CBCP-Health Care Ministry executive secretary Father Dan Cancino, MI upang patuloy na hikayatin ang publiko na magpabakuna bilang proteksyon sa banta ng virus.

“Tayo po ay nasa national vaccination days pa rin pero hindi ito ngayong araw nagtatapos. And beyond po ito,” pahayag ni Fr. Cancino sa Radio Veritas.

Samantala, muling nagbabala ang opisyal na hindi dapat magpakampante kahit bakunado na laban sa COVID-19 dahil maaari pa ring makahawa o mahawaan.

Paalala ni Fr. Cancino na mahalaga pa rin ang patuloy na pagsunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask lalo na kapag nasa mga lugar na maraming tao.

“Hindi ibig sabihin na bakunado na ay totally protected ka na; doble ingat pa rin kasi habang may mikrobyo at mas madaling ma-transmit, mas madalas at mabilis mag-mutate,” ayon sa pari.

Ang Bayanihan Bakunahan – National Vaccination Days ay nagsimula noong November 29 at magtatapos ngayong December 1, 2021.

Batay sa huling ulat, hindi bababa sa limang milyong Pilipino ang nabakunahan sa unang dalawang araw ng three-day vaccination drive.

Muli namang maglulunsad ng isa pang national vaccination drive sa December 15 hanggang 17 upang makatulong na maabot ang target na mabakunahan ang 54 na milyong Pilipino sa pagtatapos ng taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 41,803 total views

 41,803 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 74,885 total views

 74,885 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 103,236 total views

 103,236 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 170,968 total views

 170,968 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 191,188 total views

 191,188 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top