End AIDS, end inequalities

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 724 total views

Hinimok ng healthcare ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na patuloy na kalingain ang mga higit na nangangailangan lalo na ang mga may karamdaman.

Ito’y ayon kay Camillian Priest Father Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care hinggil sa paggunita sa World AIDS Day tuwing unang araw ng Disyembre.

Sinabi ni Fr. Cancino na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin mabigyang-lunas ang diskriminasyon sa mga mayroong malulubhang karamdaman tulad ng HIV/AIDS..

“Kung hindi tayo gagawa ng bold action para alisin ang inequalities at inequities sa sistema ng pamahalaan at lipunan; maalis ang mga polisiya na nagpapa-discriminate…siguradong may mga kapanalig tayong hindi makakasalo sa hapag ng Panginoon dahil iilan lamang ang nakikinabang,” pagninilay ni Fr. Cancino sa Healing Mass sa Veritas.

Tema ngayong taon ang “End inequalities. End AIDS. End pandemics” na hinihikayat ang mamamayan na kumilos upang malunasan ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan na nagiging sanhi rin ng pagkakaroon ng mga malalang karamdaman tulad ng HIV/AIDS at pandemya.

“Gumawa tayo ng aksyon at desisyon na talaga namang mapoprotektahan lalong lalo na ang mga nangangailangan, ang mga vulnerable, ang mga populasyon na madaling mahawa ng mga may karamdaman. Ito na ‘yung panahon,” ayon sa pari.

Batay sa huling tala ng HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP), umabot na sa humigit kumulang 91,000 ang bilang ng mga Pilipinong may HIV/AIDS mula Enero 1984 hanggang nitong Setyembre 2021.

Nangangahulugan ito na bahagyang tumaas ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa ngayong taon kung saan naitala ang 33 kaso kada araw kumpara sa 22 kaso kada araw noong 2020.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 42,863 total views

 42,863 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 75,945 total views

 75,945 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 104,296 total views

 104,296 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 172,028 total views

 172,028 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 192,192 total views

 192,192 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top