Pahalagahan ang dignidad ng tao, hamon ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,206 total reads

Umaasa si Sorsogon Bishop Emeritus Arturo Bastes na pahalagahan ng pamahalaan ang dignidad ng buhay ng mamamayan.

Ito ang mensahe ng Obispo sa pagdiriwang ng International Human Rights Day kung saan iginiit nito ang kahalagahan ng paggalang sa buhay ng bawat indibidwal sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, kultura at tradisyong kinagisnan.

“May the authorities of our government respect the God-given rights of every Filipino as enshrined in our Constitutions,” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.

Batid ng Obispo ang iba’t ibang karahasang laganap sa daidig na nagpapahirap sa maraming mamamayan lalo na sa mga mahihirap sa lipunan na labis apektado sa pang-aabuso ng karapatang pantao.

Sa Pilipinas nanindigan ang simbahan at mga human rights defenders laban sa extra judicial killings sa madugong war on drugs ng administration na batay sa tala ay humigit kumulang 30-libong katao na ang nasawi mula 2016.

Bukod pa rito ang red-tagging sa mga grupo at indibidwal na hayagang tumututol sa ilang polisiya ng pamahalaan.

“Grave violations against human dignity are happening in many countries, especially in totalitarian States with communist ideology and even in Christian countries like the Philippines, where laws violating human rights exist in blatant violation of our country’s Constitution,” ani Bishop Bastes.

Ibinahagi ng obispo na ang ‘Declaration of Human Rights by the United Nations Organization’ ay ipinanukala ni Jacques Maritain isang Catholic Philosopher na sumulat ng mga aklat tungkol sa dignidad ng buhay ng tao.

Binigyang diin ni Bishop Bastes na nagsisimula ang buhay ng tao sa sinapupunan sa paglilihi ng mga magulang kaya’t dito rin ang simula ng karapatan ng bawat isa.

“The greatest gift of God for humanity is life and freedom. Hence all the rights which a single person enjoys, whether this person is “insignificant” such as a baby in its mother’s womb or a simple person in the barrio, must be respected by the State,” giit ng Obispo.

Sa kasalukuyan nanindigan pa rin ang simbahang katolika sa Pilipinas laban sa nakabinbing ‘DEATH bills’ sa kongreso kabilang na ang aborsyon, death penalty at same sex marriage.

Tuwing December 10 ay ginugunita ang International Human Rights Day ang anibersaryo ng pag-adopt ng United Nations General Assembly sa Universal Declaration of Human Rights noong 1948.

Sa nasabing dokumento inilahad ang iba’t ibang karapatan ng isang indibidwal sa maging iba ang pananampalataya, kasarian, social origin, birth status o political stand ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 106,706 total reads

 106,706 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 183,227 total reads

 183,227 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 216,675 total reads

 216,675 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 251,975 total reads

 251,975 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 474,333 total reads

 474,333 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top