Simbahan, ipinagluluksa ang pagpanaw ni Zamboanga Archbishop Dela Cruz

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 881 total reads

Nagluluksa ang Archdiocese of Zamboanga sa pagpanaw ni Archbishop Romulo Dela Cruz.

Sa mensahe ni Zamboanga Apostolic Administrator Bishop Moises Cuevas sa Radio Veritas, ipinaalam ang pagpanaw ng Arsobispo noong December 10 dahil sa matagal nang karamdaman.

“With profound sadness I wish to inform you of the passing of the Most Rev. Romulo Dela Cruz; let us pray for his eternal repose,” pahayag ni Bishop Cuevas.

Pumanaw si Archbishop Dela Cruz ganap na 11:05 ng gabi sa edad na 74 na taong gulang.

Noong July 25 ng kasalukuyang taon nang ma-stroke ang Arsobispo dahilan upang mamalagi ito sa pagamutan.

Pansamantalang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Cuevas na obispong tagapangasiwa ng arkidiyosesis na ‘sede plena’ dahil sa pagkakasakit ni Archbishop Dela Cruz.

Si Archbishop Dela Cruz na tubong Balasan, Iloilo ay ipinanganak noong June 24, 1947, naordinahang pari noong December 8, 1972 at itinalagang obispo ni St. John Paul II noong December 17, 1987 at ginawaran ng episcopal ordination noong March 16, 1988.

Ilan sa mga misyong ginampanan ni Archbishop Dela Cruz ang pagiging obispo ng Prelatura ng Isabela de Basilan, San Jose de Antique, Kidapawan at Marso 2014 nang italagang ikaapat na arsobispo ng Zamboanga.

Hiling ni Bishop Cuevas sa mananampalataya na panalangin sa kapayapaan ng kaluluwa ni Archbishop Dela Cruz.

“May the Lord of Life, who has unlocked the gates of heaven, receive him into his eternal house,” ani Bishop Cuevas.

Dahil sa pagpanaw ng arsobispo apat na ang ‘sede vacante’ sa Pilipinas ang Archdiocese of Zamboanga, Archdiocese of Capiz, Diocese of Alaminos at ang Apostolic Vicariate of San Jose Mindoro.

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 1,778 total reads

 1,778 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 8,565 total reads

 8,565 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 45,945 total reads

 45,945 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 77,216 total reads

 77,216 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 154,204 total reads

 154,204 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 248,022 total reads

 248,022 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top