Mamamayan, binalaan sa E-Commerce industries monthly sale

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 563 total reads

Pinaalalahanan ng Climate Change Commission ang mamamayan na isaalang-alang ngayong Kapaskuhan ang pagiging makakalikasan.

Inihayag sa Radio Veritas ni CCC Commissioner Rachel Anne Herrera na kaakibat ng pagdiriwang ng Pasko ng kapanganakan ni Hesus ang pagpapahalaga sa nilikha ng Diyos.

“But as we celebrate [Christmas], sana hindi mawala sa isip natin na kasama sa listahan ng reregaluhan natin ay ang ating kalikasan,” pahayag ni Herrera sa Radio Veritas.

Tinukoy ng opisyal ang monthly sale ng e-commerce industries tulad na lamang ng 12.12 sale na pinangangambahang muling magdulot ng malaking epekto sa kalikasan dahil sa mga plastic packaging mula sa mga biniling produkto.

Ayon kay Herrera, mas makabubuti pa ring bumili ng mga produktong maaari muling magamit at mapakinabangan sa mga susunod na panahon at hindi magdudulot ng pinsala sa kalikasan.

“Marami pang ibang puwedeng gawin: puwede tayong magregalo ng e-vouchers instead, puwede ring pre-loved items ‘yung bilhin natin, and let’s make it a point to request minimal packaging ‘pag umo-order tayo online,” ayon sa opisyal.

Bukod naman sa pagpapaalala sa publiko na bawasan ang pagkonsumo, panawagan din ng komisyon sa mga online businesses na pagbutihin pa ang delivery system maging ang pagkakaroon ng mga alternatibong paraan na makatutulong sa kapaligiran.

“There are many small businesses that are going green in their packaging, and we should also encourage big e-commerce industries to do the same,” saad ni Herrera.

Batay sa pagsusuri ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau, inaasahang maaari pang tumaas sa mahigit 18-milyong tonelada kada taon ang malilikhang basura sa 2020.

Samantala, inaasahan namang sa 2025 ay aabot na sa humigit-kumulang 78-libong tonelada ng basura ang malilikha ng mga Pilipino kada araw.

Magugunita sa Laudato Si ni Pope Francis na binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang nagmimistulang malawak na tambakan ng basura ang daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 100,650 total reads

 100,650 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,480 total reads

 177,480 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,928 total reads

 210,928 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,228 total reads

 246,228 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,885 total reads

 468,885 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,424 total reads

 158,424 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top