Diyosesis sa Eastern Visayas at Caraga, nakahanda sa bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 632 total views

Nakahanda na ang mga Diyosesis sa Eastern Visayas at Caraga sa paglandfall ng bagyong Odette.

Sinabi ni Catarman Bishop Emmanuel Trance na nakahanda na ang diyosesis at lokal na pamahalaan para sa inaasahang pananalasa ng bagyo sa Eastern Visayas.

“Our Caritas Catarman with Catholic Relief Services are on standby for relief services. The Province and local government unit have drill in disaster reduction preparedness and early warning,” pahayag ni Bishop Trance sa Radio Veritas.

Inihayag ng obispo na maliban sa pisikal na paghahanda ay sinimulan na rin sa Diyosesis ang pagdarasal ng Oratio Imperata para sa kaligtasan ng lahat laban sa sakuna.

“We are just bracing for what is to come and praying for not much harm and destruction, flooding of rivers, landslides, storm surges in coastal areas and islands,” ayon sa Obispo.

Iniulat naman ni Diocese of Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na sa kasalukuyan ay nararanasan sa diyosesis ang hangin at pag-uulang dulot ng bagyo bagamat nasa labas pa ito ng PAR.

Dalangin naman ni Bishop Almedilla na nawa’y maligtas ang bawat isa at hindi magdulot ng matinding pinsala ang Bagyong Odette sa Caraga at iba pang bahagi ng bansa.

“May we be secure in Your loving protection, and in our concern and care for one another and for the whole of creation. Help us to seek Your will in all our experiences, that we may be faithful stewards of all Your gifts with grateful hearts,” panalangin ni Bishop Almedilla.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, inaasahang papasok ng PAR ang Bagyong Odette mamayang gabi o Miyerkules ng madaling araw.
Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 70 kph habang kumikilos pakanluran sa bilis na 10 kph.

Inaasahan din ang pagiging typhoon category ng Bagyong Odette bago pa ito mag-landfall ngayong Huwebes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 23,542 total views

 23,542 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 74,226 total views

 74,226 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 80,355 total views

 80,355 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 109,713 total views

 109,713 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 127,159 total views

 127,159 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top