Caritas International, sasaklolo sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total reads

Magtutungo ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa pahayag ng NASSA/CARITAS Philippines, ito ay upang alamin ang kalagayan ng mga nasalanta at ang kanilang mga pangunahing pangangailangan na dapat tugunan.

Sa pihakahuling ulat ng Caritas Philippines, karamihan sa mga nagsilikas ay pansamantalang nanatili sa mga Parokya.

Tiniyak ng Caritas Philippines na nakikipag-ugnayan na rin ang iba’t ibang tanggapan ng Caritas sa iba’t ibang bansa hindi lamang para makiisa kundi para sa pagtulong sa mga nasalanta.

“Several Caritas Internationalis Member Organizations have responded not only with messages of solidarity, but offers to help-Caritas Española, CRS, Caritas New Zealand, Caritas Australia and CAFOD,” ayon sa Caritas Philippines.

Kabilang sa mga lugar na labis na nasalanta ng kalamidad ang mga lugar na nasasakop ng Arkidiyosesis ng Caceres, Cagayan De Oro, Palo, at Cebu, kasama ang mga Diyosesis ng Tagbilaran, Maasin, Bacolod, Dumaguete at Butuan na nangangailangan ng pagkain at maiinom na tubig.

Nanatili naming walang kuryente sa ilang mga apektadong lalawigan, gayundin ang linya ng komunikasyon habang ilang pangunahing kalsada rin ang sarado dahil sa mga tumumbang poste ng kuryente, mga baha at gumuhong lupa.

Nagpapasalamat naman ang social arm ng simbahan sa mga patuloy na nagpapadala ng tulong maging mula sa mga pribadong kompanya para sa agarang relief operations.

Sa pinakahuling pag-uulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), higit sa 330-libong katao ang lumikas mula sa may 262-barangay na sinalanta ng Bagyong Odette.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,310 total reads

 55,310 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,682 total reads

 134,682 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,127 total reads

 168,127 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,425 total reads

 203,425 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,728 total reads

 427,728 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top