Diocese of Kabankalan, nagpapasalamat sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total views

Pinasalamatan ni Kabankalan Bishop Louie Galbines ang Caritas Manila hinggil sa paunang tulong para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa lalawigan ng Negros.

Ayon kay Bishop Louie Galbines, malaking tulong ito ng social arm ng Simbahan upang patuloy na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga higit na apektado ng sakuna.

“Salamat sa Caritas Manila, salamat sa inyong lahat. Alam namin na and’yan kami sa inyong puso at tsaka nagpapasalamat kami sa Diyos na talagang nag-reach out kayo sa amin. Ang laki-laking tulong na nito. Maraming matutulungan dito,” bahagi ng pahayag ni Bishop Galbines sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Bishop Galbines na higit ding pangangailangan sa Negros ang pagkain at tubig, maging ang damit at masisilungan dahil lubhang napinsala ng bagyo ang maraming bahay.

Dagdag pa ng Obispo na magpahanggang ngayon ay wala pa ring linya ng komunikasyon sa buong lalawigan, lalo na ang suplay ng kuryente.

“‘Yun po ang situation ngayon mahirap sa mga tao dahil naghahanap sila ng pagkain at tubig, pati communication po wala. Electricity wala pa rin, three months o two months pa yata makakabalik,” ayon sa Obispo.

Bukod sa tulong, panawagan din ni Bishop Galbines ang panalangin para sa patuloy na kaligtasan ng mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Isa ang Diyosesis ng Kabankalan sa limang benepisyaryong diyosesis na tumanggap ng paunang tulong mula sa Caritas Manila na nagkakahalaga ng P500,000.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 14,416 total views

 14,416 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 138,827 total views

 138,827 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 182,123 total views

 182,123 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 262,477 total views

 262,477 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top