10-M pisong cash aid, ipinadala ng Caritas Manila sa mga diyosesis na apektado ng bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 562 total reads

Nagpadala ng dagdag tulong pinansiyal ang Caritas Manila para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Apostolic Vicariate of Puerto Princesa at Diocese of Dumaguete.

Nagkakahalaga ng tig-P400-libo ang ipapadala ng social arm ng simbahan sa dalawang Diyosesis na higit pa ring pangangailangan ang mga pagkain at maiinom na tubig.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, sinabi nitong patuloy ang kanilang pamamahagi ng mga food packs ngunit hindi pa rin ito sapat para sa pangangailangan ng mga higit na apektado ng bagyo.

“Today, nagdistribute na kami ng mga food packs pero dahil nga limited din ang resources namin kaya hindi rin namin mabigyan lahat,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, maliban sa limitadong mapagkukunan, nahihirapan din ang Vicario Apostoliko sa pamamahagi ng tulong dahil sa lawak ng saklaw na dapat tulungan sa Southern Palawan kumpara sa mga apektado ng mga nagdaang sakuna.

“Ang hirap tumulong kasi limited ang resources, ang lawak ng mga gusto mong tulungan. kasi unlike before na tinamaan kami ng bagyo, parang concentrated lang sila sa isang area pero ngayon ang lawak,” saad ng Obispo.

Samantala, sinabi naman ni Dumaguete Bishop Julito Cortes na umabot na sa higit-70 ang nasawi habang 22 naman ang nawawala sa Dumaguete City.

Pagbabahagi naman ng obispo na agad namang tumugon ang diyosesis sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Odette.

Ayon kay Bishop Cortes, bukod sa pagkain at tubig, pangangailangan din ng mga biktima ang mga first aid kit at mga trapal na maaaring masilungan ng iba pang nagsilikas.

“Kailangan nila ang mga medical kits at trapal dahil lalo na sa northern parishes na nagkaroon ng storm surge,” pahayag ni Bishop Cortes.

Nagpapasalamat naman sina Bishop Mesiona at Bishop Cortes kay Caritas Manila executive director Father Anton CT. Pascual sa patuloy nitong pagpapaabot ng suporta lalo na sa mga higit na apektado ng nagdaang sakuna.

Sa kabuuang bilang, umabot na sa halos 10-milyong piso ang naipadalang tulong ng social arm sa mga diyosesis na higit na apektado ng Bagyong Odette sa Visayas, Mindanao, at Palawan.

Batay sa tala, P2-milyon ang ipinadala ng Caritas Manila sa Diyosesis ng Surigao sa pamamagitan ni Fr. John Young, pangulo ng Father Saturnino Urios University ng Butuan City.

Tig-isang milyong piso ang mga Diyosesis ng Tagbilaran, Maasin, Talibon, at Kabankalan, gayundin ang Arkidiyosesis ng Cebu at Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan.

Habang P500-libo naman ang pinadala sa Arkidiyosesis ng Cagayan De Oro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 25,884 total reads

 25,884 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 63,015 total reads

 63,015 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 81,226 total reads

 81,226 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 165,554 total reads

 165,554 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 201,736 total reads

 201,736 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,628 total reads

 80,628 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top