CBCP, ikinatuwa ang paglagda sa batas na magtatayag sa Department of OFWs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 593 total reads

Ikinatuwa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang batas na magtatag ng Department of Migrant Workers.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng CBCP migrant’s ministry, malaking tulong ito upang mapangalagaan ang kapakanan at karapatan ng bawat Filipinong manggagawa sa ibayong dagat.

“The creation of [Department] of OFWs is a very necessary and timely Christmas gift for our migrant workers and seafarers. It is work of compassion and care for their better welfare,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Matatandaang December 30, 2021 nang lagdaan ng Pangulong Duterte ang nasabing panukala bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga Overseas Filipino Workers na malaki ang naiaambag sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sa ilalim ng bagong kagawaran mapapabilis ang pagproseso ng mga OFW sa mga dokumentong kakailanganin at ang pagdulog sa pamahalaan sa tuwing nahaharap sa suliranin sa ibayong dagat.m

“With DOMW they are specifically and personally protected and their rights are promoted,” ani Bishop Santos.

Sa nasabing batas ang Philippine Overseas Employment Administration ay magiging Department of Migrant Workers na mangangasiwa sa lahat ng usapin ng mga OFW.m

Kabilang sa mga tanggapan na mapapabilang sa kagawaran ang National Reintegration Center ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine overseas labor offices sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE), International Labor Affairs Bureau, National Maritime Polytechnic, Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng Department of Foreign Affairs, International Social Services Office ng Department of Social Welfare and Development at ang Commission on Filipino Overseas sa ilalim ng Office of the President.

Tiniyak ni Bishop Santos ang pakikipagtulungan ng simbahan sa pamahalaan sa pangangalaga ng mahigit 10 milyong OFW sa buong daigdig lalo na ang pagtataguyod sa kanilang karapatan.

“We, at the CBCP-ECMI, are grateful to our national govt officials. Rest assured of our collaboration and services for the success of this DOMW,” dagdag pa ni Bishop Santos.m

Nauna nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga OFW bilang mga misyonero na katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos sa bawat bansang pinaglilingkuran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 13,045 total reads

 13,045 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 112,063 total reads

 112,063 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 156,333 total reads

 156,333 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 179,444 total reads

 179,444 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 253,801 total reads

 253,801 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top