Kanselasyon ng face-to-face classes, pinuri ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 503 total reads

Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang pangalagaan ang kalusugan ng mga kabataang mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan mula sa banta ng pandemya.

Ito ay sa pagsuporta ni CBCP Episcopal Commision on Youth (CBCP-ECY) Chairman Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa desisyon ng Department of Education (DepEd) na kanselahin ngayong Enero ang pagpapalawig ng limited face-to-face classes sa National Capital Region (NCR).

Ito ay dahil na rin sa pagtatala ng kaso ng Omicron Variant ng COVID-19 sa bansa na nagdulot naman ng pagpapatupad ng Alert Level 3 status sa Metro Manila.

“Ang buhay at kaligtasan ng bawat isa ay higit na mahalaga. Ang pagkansela ng face to face ay may epekto, subalit kailangan ding maging ligtas ang mga mag-aaral at mga guro. Sa panahon ng krisis, mahalaga na makita natin ang ‘priorities natin at ang mga bagay na higit na mahalaga,” ayon sa mensahe ng Obispo sa Radio Veritas.

Batid din ng Obispo ang kahalagahan ng pagsunod sa mga ekspertong nagpapatupad ng mga panuntunan sa NCR ngayong panahon ng pandemya.

Dahil dito ay ipinabatid ni Bishop Alarcon na para sa ikabubuti ng sitwasyon ang pagpapatupad at muling paghihigpit ng mga panuntunan laban sa COVID-19.

“Nasa mabuti silang katayuan sa pagsuri ng katayuan sa Maynila, kaysa sa akin na nandito sa probinsya. Iyan naman, inaasahan natin ay para sa kaligtasan at ikabubuti ng lahat,” ayon sa Obispo.

Mensahe pa ni Bishop Alarcon na nawa’y maalala ng bawat isa ang pangunahing layunin ng pag-aaral ng mga bata at kabataan.

Ito ay ang pag-aaral ng isang indibidwal bilang paghahanda tungo sa kanilang buhay paglaki.

“Magandang tandaan na isa sa mga layunin ng pag-aaral ay matutong harapin ang mga hamon sa buhay at matuklasan ang mas malalim na kahulugan ng buhay at ng magagawa natin sa ating buhay. We study not for school but for life,” ani Bishop Alarcon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 14,257 total reads

 14,257 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 113,214 total reads

 113,214 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 157,484 total reads

 157,484 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 180,595 total reads

 180,595 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 254,915 total reads

 254,915 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 25,492 total reads

 25,492 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top