CBCP, ikinatuwa ang paglagda sa batas na magtatayag sa Department of OFWs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 567 total reads

Ikinatuwa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang batas na magtatag ng Department of Migrant Workers.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng CBCP migrant’s ministry, malaking tulong ito upang mapangalagaan ang kapakanan at karapatan ng bawat Filipinong manggagawa sa ibayong dagat.

The creation of [Department] of OFWs is a very necessary and timely Christmas gift for our migrant workers and seafarers. It is work of compassion and care for their better welfare,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Matatandaang December 30, 2021 nang lagdaan ng Pangulong Duterte ang nasabing panukala bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga Overseas Filipino Workers na malaki ang naiaambag sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sa ilalim ng bagong kagawaran mapapabilis ang pagproseso ng mga OFW sa mga dokumentong kakailanganin at ang pagdulog sa pamahalaan sa tuwing nahaharap sa suliranin sa ibayong dagat.m

“With DOMW they are specifically and personally protected and their rights are promoted,” ani Bishop Santos.

Sa nasabing batas ang Philippine Overseas Employment Administration ay magiging Department of Migrant Workers na mangangasiwa sa lahat ng usapin ng mga OFW.m

Kabilang sa mga tanggapan na mapapabilang sa kagawaran ang National Reintegration Center ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine overseas labor offices sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE), International Labor Affairs Bureau, National Maritime Polytechnic, Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng Department of Foreign Affairs, International Social Services Office ng Department of Social Welfare and Development at ang Commission on Filipino Overseas sa ilalim ng Office of the President.

Tiniyak ni Bishop Santos ang pakikipagtulungan ng simbahan sa pamahalaan sa pangangalaga ng mahigit 10 milyong OFW sa buong daigdig lalo na ang pagtataguyod sa kanilang karapatan.

“We, at the CBCP-ECMI, are grateful to our national govt officials. Rest assured of our collaboration and services for the success of this DOMW,” dagdag pa ni Bishop Santos.m

Nauna nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga OFW bilang mga misyonero na katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos sa bawat bansang pinaglilingkuran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 14,107 total reads

 14,107 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 95,259 total reads

 95,259 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 189,484 total reads

 189,484 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 249,974 total reads

 249,974 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 263,146 total reads

 263,146 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 35,742 total reads

 35,742 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top