Kanselasyon ng face-to-face classes, pinuri ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 487 total reads

Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang pangalagaan ang kalusugan ng mga kabataang mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan mula sa banta ng pandemya.

Ito ay sa pagsuporta ni CBCP Episcopal Commision on Youth (CBCP-ECY) Chairman Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa desisyon ng Department of Education (DepEd) na kanselahin ngayong Enero ang pagpapalawig ng limited face-to-face classes sa National Capital Region (NCR).

Ito ay dahil na rin sa pagtatala ng kaso ng Omicron Variant ng COVID-19 sa bansa na nagdulot naman ng pagpapatupad ng Alert Level 3 status sa Metro Manila.

Ang buhay at kaligtasan ng bawat isa ay higit na mahalaga. Ang pagkansela ng face to face ay may epekto, subalit kailangan ding maging ligtas ang mga mag-aaral at mga guro. Sa panahon ng krisis, mahalaga na makita natin ang ‘priorities natin at ang mga bagay na higit na mahalaga,” ayon sa mensahe ng Obispo sa Radio Veritas.

Batid din ng Obispo ang kahalagahan ng pagsunod sa mga ekspertong nagpapatupad ng mga panuntunan sa NCR ngayong panahon ng pandemya.

Dahil dito ay ipinabatid ni Bishop Alarcon na para sa ikabubuti ng sitwasyon ang pagpapatupad at muling paghihigpit ng mga panuntunan laban sa COVID-19.

Nasa mabuti silang katayuan sa pagsuri ng katayuan sa Maynila, kaysa sa akin na nandito sa probinsya. Iyan naman, inaasahan natin ay para sa kaligtasan at ikabubuti ng lahat,” ayon sa Obispo.

Mensahe pa ni Bishop Alarcon na nawa’y maalala ng bawat isa ang pangunahing layunin ng pag-aaral ng mga bata at kabataan.

Ito ay ang pag-aaral ng isang indibidwal bilang paghahanda tungo sa kanilang buhay paglaki.

Magandang tandaan na isa sa mga layunin ng pag-aaral ay matutong harapin ang mga hamon sa buhay at matuklasan ang mas malalim na kahulugan ng buhay at ng magagawa natin sa ating buhay. We study not for school but for life,” ani Bishop Alarcon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 15,190 total reads

 15,190 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 96,259 total reads

 96,259 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 190,484 total reads

 190,484 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 250,974 total reads

 250,974 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 264,093 total reads

 264,093 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top