Gobyerno, pinakikilos sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at oil products

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 717 total views

Nasa kamay ng gobyerno ang pag-ahon sa kahirapan ng mga Pilipino.

Ito ang pagbibigay-diin ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 3.5% ang naitalang inflation rate noong Disyembre 2021.

Sa kabila nito ay naitala naman sa kabuuan ng 2021 ang mataas na 4.5% inflation rate kumpara sa higit 2% lamang noong 2020.

“Hindi ito magandang umpisa sa bagong taon pero maraming magagawa ang pamahalaan para mabawasan ang paghirap ng napakaraming Pilipino. Kailangan lang iwasto ang baluktot na pananaw sa ekonomiya at gamitin ang rekurso at awtoridad ng gubyerno para sa kagalingan ng nakakarami at ‘di lang ng iilan,” mensahe ni Africa sa Radio Veritas.

Nilinaw ni Africa na bagama’t mababa ang inflation rate na naitala noong nakalipas na buwan ay hindi nito ibig sabihin na mananatili ang presyo ng mga bilihin sa halip ay pinapabagal lamang nito ang hindi maiiwasang pagtataas ng presyo.

Ayon naman kay Laban Konsyumer Incorporated President Atty. Victor Dimagiba, bukod sa pagbaba ng demand ng ilang bilihin ay patuloy ding pinapahirapan ng mataas na inflation rate ng mga bilihin higit ng produktong petrolyo ang mga manggagawang maliit ang kinikita.

“‘Yun mataas na presyo sa kuryente, gasoline, tubig ay nasa 5 pct. Masakit sa bulsa ng manggagawa. ‘Yun 3.5 pct ay dulot ng mga items na slow demand and sales last December,” ayon naman sa mensaheng ipinadala ni Dimagiba sa Radio Veritas.

Iminungkahi ni Africa na kaakibat ng pagtatanggal sa buwis na ipinapataw sa mga produktong petrolyo gamit ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ay makakatulong din sa ekonomiya ang pagpapaigting ng pamahalaan sa mga patakarang ipinatutupad laban sa banta ng COVID-10 virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 66,989 total views

 66,989 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 97,211 total views

 97,211 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 123,862 total views

 123,862 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 218,835 total views

 218,835 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 235,484 total views

 235,484 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top