Pagtigil sa paniningil ng buwis, iminungkahi ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 957 total reads

Imunungkahi ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapababa o pagtigil muna sa sinisingil na buwis sa mga negosyo ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang rekomendasyon ni CBCP-Permanent Committee on Public Affairs Executive Rev. Fr. Jerome Secillano upang matulungan ang mga micro small and medium enterprises upang hindi magsara.

“Maaaring magbigay ng “tax cuts o exemption” ang pamahalaan sa mga estabisimiento o di kaya’y magkaloob din ng pinansiyal na suporta sa kanila, katulad ng ginawa sa Estados Unidos, para di tuluyang magsara ang mga ito na lalo pang magdudulot ng kawalan ng trabaho,” ayon sa mensahe ng Pari sa Radio Veritas.

Ginawa ni Fr. Secillano ang pahayag matapos iulat ng Philippine Statistics Authority na bumaba sa 6.4% o 3.16-milyon ang bilang ng mga walang trabaho noong November 2021 kumpara sa 7.4% noong October 2021.

Iginiit ng Pari na hindi sapat ang pagbibigay ng pansamantalang suliranin sa problema katulad ng tulong pinansyal na madaling maubos.

“‘Stop gap measures’ ang malimit na ginagawa ng pamahalaan katulad ng pagbibigay ng ayuda sa mga mamamayan. Ngunit hindi ito sapat dahil pansamantala lang na ginhawa ang dulot nito,” ayon sa mensahe ng Pari.

Pagbibigay-diin pa ni Fr. Secillano na kanyang inaasahan ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho.

Ito ay dahil na rin sa paghahanda ng mga negosyo at establisyemento sa panahon ng Pasko kung saan maraming manggagawa ang sumang-ayon na maging pansamantalang empleyado.

“Artipisyal ang datos ng diumano’y pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho noong buwan ng Nobyembre. Ito’y inaasahan na dahil muli ng nagbukas ang mga establisimiento kasama na ang ‘business sector’, at marami ding manggagawa ang pansamantalang inupahan gawa ng malaking demand sa panahon ng Pasko,” ani Fr. Secillano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 64,774 total reads

 64,774 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 160,654 total reads

 160,654 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 204,922 total reads

 204,922 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 228,031 total reads

 228,031 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 300,303 total reads

 300,303 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 29,496 total reads

 29,496 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top