2 weeks health break sa mga guro, suportado ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 406 total reads

Suportado ni Father Joel Saballa, CFIC ang panawagan ng mga guro para sa dalawang linggong ‘health break’ sa mga lugar na sakop ng COVID-19 Alert level 3 status.

Ayon kay Fr. Saballa, isa sa mga anchor ng Hello Father 911 Monday Edition ng Radio Veritas na marami nang mga guro ang nagkakasakit dahil sa epekto ng COVID-19 na dinagdagan pa ng banta ng Omicron variant.

“Nakita natin ‘yung hirap ng mga guro. Ang dami pong guro ngayon na maysakit at minsan ‘yung mga guro ay hirap na hirap at pagod na pagod na. Mahina na nga ‘yung internet at the same time, sumabay pa itong ating season ng ubo at sipon at dumagdag pa itong banta ng Omicron variant,” pahayag ni Fr. Saballa sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihiling din ng pari na nawa’y mabigyang-pansin ng Department of Education ang hangarin ng mga guro na mabigyan ng pahinga hindi lamang sa pagtuturo, kun’di maging sa iba’t ibang stress na dulot ng pandemya na kalauna’y humahantong na sa suliranin sa mental health.

“Baka pwedeng mai-konsidera ng Department of Education ang pansamantalang pahinga… para ito sa kabutihan kasi ‘yung mental health, dagdagan mo pa yan, yung takot natin sa COVID at sa Omicron nagsasabay-sabay na,” ayon sa pari.

Sa isinagawang Google Form survey, lumabas dito na 55-porsyento ng mga teacher-respondents sa Metro Manila ang mayroong sintomas ng trangkaso.

Bagamat mayroong mga sintomas, karamihan sa mga guro o 84 na porsyento ng mga respondents ang nagsabing patuloy pa rin sila sa kanilang pagtuturo o pagtatrabaho sa pamamagitan ng online.

Habang 90-porsyento naman ng mga guro ang nagsasabing kailangan nila ng “health break” upang gumaling sa mga iniindang karamdaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 151,447 total reads

 151,447 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 224,409 total reads

 224,409 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 257,857 total reads

 257,857 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 293,156 total reads

 293,156 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 513,794 total reads

 513,794 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 160,003 total reads

 160,003 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top