Pagsubok na dulot ng bagyo at COVID-19, mapagtatagumpayan sa panalangin at pagtitiwala sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 531 total views

Hinihikayat ni Dumaguete Bishop Julito Cortes ang mananampalataya na patuloy na manalangin at magpasalamat sa mga biyaya ng Panginoon sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng Novel Coronavirus at bagyong Odette lalo na sa Visayas region.

Ang panawagan ng Obispo ay kaugnay na rin sa nalalapit na Kapistahan ng Santo Niño o Pit Señor.

Giit ng Obispo na ang lahat ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa at sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos.

“I hope that the timeliness of the season is a sign that God is with us and helping us. In the midst of adversities, we will rise again,” ayon kay Bishop Cortes.

Ayon pa kay Bishop Cortes, masasalamin din sa sama-samang pagtutulungan at malasakit sa kapwa ang pagiging isa ng mga tao sa Panginoon upang muling makabangon mula sa iba’t ibang pagsubok.

Sa January 16, ipagdiriwang ng sambayang Katoliko ang Pista ng Batang Hesus sa kabila ng mga pagbabago dahil sa banta ng omicron variant ng COVID-19.

Bagamat maraming gawain ang naipagpaliban, sinabi naman ni Cebu Archbishop Palma na hindi nagbabago ang debosyon ng bawat mananampalataya.

Una na rin ipinag-utos ng Arkidiyosesis ang pagdiriwang ng misa ng bawat parokya para sa kapistahan upang maiwasan ang pagtitipon lalo na sa Basilica ng Santo Niño.

Ang panuntunan ng simbahan ay inihayag bago pa man itaas sa alert level 3 status ang Cebu City na magsisimula bukas.

Sa ilalim ng community status, ipinagbabawal ang paggala ng mga hindi pa bakunadong indibidwal lalo na sa mga shopping malls at closed door establishments simula bukas hanggang sa katapusan ng Enero.

Naitala naman sa pinakamataas na higit sa 30-libo ang kaso ng mga nahawaan sa loob lamang ng isang araw.

Typhoon Odette

Isang buwan matapos ang pananalasa ng bagyong Odette, patuloy din ang isinasagawang pamamahagi ng tulong ng Diyosesis ng Dumaguete sa nsasakupang lugar na napinsala ng kalamidad.

Ayon pa kay Bishop Cortes, 10 parokya na nasasakop ng Diyosesis sa bahagi ng Negros Oriental ang labis na napinsala ng bagyo.

Nagpapasalamat naman ang Obispo sa mga natanggap na tulong para sa kanilang mga kababayang nasalanta.

Kabilang ang Dumaguete sa tumanggap ng tulong mula sa Caritas Manila na nagkakahalaga ng 1.5 milyong piso bilang tulong at rehabilitasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 20,990 total views

 20,990 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 71,674 total views

 71,674 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 77,803 total views

 77,803 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 107,225 total views

 107,225 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 124,850 total views

 124,850 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top