CBCP, nakikiisa sa mga Pilipinong dumaranas ng kahirapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 591 total reads

Nakiisa ang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mahihirap na pamilya.

Ito ay matapos maitala ng Commission on Population and Development na umaabot sa 4-milyong mamamayan o mahigit 800-libong pamilyang Pilipino ang nakakaranas ng kahirapan sa mga lalawigang apektado ng pandemya.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Family and Life Chairman Parañaque Bishop Jesse Mercado, ang datos ay nararanasan rin maging sa malalaking lungsod tulad ng Maynila, Davao at Cebu City.

Pagpapabatid ng Obispo, kaisa ng mga mahihirap ang Diocese of Parañaque higit na ngayong panahon ng pandemya kung saan patuloy ang pag-aalay ng panalangin upang maibsan ang kanilang pasakit na nararanasan.

“Nais kong ipabatid sa inyong lahat na ang Diyosesis ng Parañaque ay patuloy sa pag-aalay ng taimtim na panalangin upang maibsan, kung hindi man tuluyang mawakasan, ang ating nararanasang kahirapan,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Mensahe ni Bisho Mercado na mahalaga ang pagpapatibay ng pananalig sa Diyos sa dinaranas na mga pagsubok sa buhay.

“Sa mga panahong ito, muli nating ibaling ang ating paningin sa Panginoong Diyos na siyang tanging makapagbibigay sa ating lahat ng kinakailangan nating tibay ng loob at pananampalataya upang mapagtagumpayan natin ang unos na ito,” ayon sa mensahe ng Obispo.

Apela ni Bishop Mercado sa bawat isa ang pagkakaroon rin ng mga sapat at epektibong hakbang upang matulungan ang mga mahihirap na pamilya.

Ito ay upang magsilbing kinawatan ng Panginoon sa lupa upang ipabatid sa mga nangangailangan na maaring makaahon ang bawat isa mula sa ibat-ibang suliranin.

“Ngunit kalakip ng taimtim na panalangin at pananampalataya, kinakailangan nating gumawa ng mga kongkretong hakbang upang tayong lahat ay maging mga kamay, puso at paa ng Panginoon sa pagtugon sa hamong ito,” ayon pa sa Obispo.

Ayon din sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa unang anim na buwan ng 2021 ay umabot sa higit 26-milyon ang bilang ng mga Pilipinong nakaranas ng kahirapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 12,627 total reads

 12,627 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 50,943 total reads

 50,943 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 69,153 total reads

 69,153 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 153,481 total reads

 153,481 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 190,227 total reads

 190,227 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 19,386 total reads

 19,386 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top