Obispo nanawagan sa pamahalaan na tutukan ang pagbangon ng mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Nanawagan ang Opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan na ituon ang malaking budget sa pagtulong sa mga mahihirap at nagugutom sa Pilipinas.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Family and Life Chairman Parañaque Bishop Jesse Mercado, dumarami ang naghihirap dahil sa pandemya.

Nangangamba si Bishop Mercado na lalo pang tataas ang bilang ng mga mahihirap na umaabot na sa apat na milyon nase sa tala ng Commission on Population and Development.

“Sa mas malawakang pagtingin, ating hinihikayat ang pambansa at panglokal na pamahalaan na ilaan ang malaking bahagdan ng ating pambansa at panglokal na budget sa mga programang tutugon sa kahirapan at kagutuman ng ating mga mamamayan,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Umaasa si Bishop Mercado na isantabi muna ng mga namumuno ang mga proyektong maaring ipagpaliban at ituon ang mga pondo sa pag-tugon ng pamahalaan sa lumalalang kahirapan sa bansa.

Pagpapabatid pa ng Obispo na sana’y hindi na hayaan pa ng pamahalaan na makagawa ng ilegal na gawain ang kanilang mga nasasakupan para lamang maibsan ang nararamdamang kagutuman.

“Batid natin ang kasabihan na ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit. Huwag nating hintayin na ang mga naghihirap at nagugutom ay kailangan pang kumapit sa patalim upang matugunan lamang ang dinaranas nilang unos sa buhay,” ayon sa Obispo.

Ipinarating din ni Bishop Mercado ang Lubos na pasasalamat sa Caritas Manila at mga katuwang nitong Pribadong Institusyon sa kanilang pagtulong sa mga higit na nangangailangan maging sa mga pinakaliblib na bahagi ng bansa.

“Lubos nating pinasasalamatan ang mga gawain ng Caritas Manila at Caritas Pilipinas sa mga hakbangin na tungo sa pag-agapay sa mga nasa matinding kahirapan. Pasalamatan din natin ang kanilang mga katuwang na mga pribadong indibidwal at ang mga organisasyon na naglalaan ng dagdag na pagkain sa mga nagugutom,” pagbabahahi ng Obispo.

Mensahe din ni Bishop Mercado sa mamamayan na ang bawat isa ay mayroon kakayahan na makatulong maliban sa pagbibigay ng donasyon.

Ito ay sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga programa ng kani-kanilang parokya katulad ng mga feeding programs at pagkakaroon ng inisyatibo ng pagtatanim tulad ng urban farming.

“Maging kabahagi tayo ng mga gawain sa ating mga parokya na nagsasagawa ng mga income-generating activities, mga feeding programs para sa mga malnourished children at mga nagugutom na pamilya. Makiisa tayo sa mga pamamaraang maglalagay ng masustansiyang pagkain sa ating mga hapag, katulad ng vertical gardening, hydrophonic at aquaphonic gardening,” ani Bishop Mercado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 11,608 total reads

 11,608 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 50,013 total reads

 50,013 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 68,223 total reads

 68,223 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 152,551 total reads

 152,551 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 189,329 total reads

 189,329 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 19,271 total reads

 19,271 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top