Huwag ituring na iba ang mga unvaccinated

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 467 total views

Mga Kapanalig, muli na namang binantaan ni Pangulong Duterte ang mga hindi pa bakunado. Noong Hunyo ng nakaraang taon, mainit na sa mata ng pangulo ang mga kababayan nating nag-aalinlangan pang magpabakuna. Aniya, ipaaaresto raw niya ang sinumang ayaw magpabakuna at hihimukin silang umalis na lang ng Pilipinas. Sa pagpasok ng bagong taon, muli na naman niyang iniutos na arestuhin ang mga hindi bakunadong lumalabas ng kanilang bahay.

Sa kabila ng pagtaas ng suplay ng mga bakuna para sa Covid-19 sa bansa, may ilan pa rin sa ating may agam-agam o alinlangan sa pagpapabakuna. Sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (o SWS) noong Setyembre, sa kabila ng mataas na porsyento ng mga pumapayag magpabakuna na nasa 64%, nasa 19% pa ang hindi pa rin sigurado tungkol sa pagpapabakuna. Nasa 18% naman ang nagsabing ayaw talaga nilang magpabakuna. Ayon sa Department of Health (o DOH), ang maling impormasyon tungkol sa pagiging epektibo ng mga bakuna ang nagpapabagal sa vaccination drive sa maraming lugar.

Ngunit sa halip na pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa mga bakuna upanng makumbinsi ang mga ayaw tumanggap nito, iba ang mga pamamaraang isinusulong ng ating pamahalaan.

Noong nakaraang linggo, naglabas ng resolusyon ang Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA) na lilimitahan ang galaw ng mga hindi bakunado laban sa Covid-19. Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Duterte na pagbawalang gumala ang mga hindi pa bakunado. Napagkasunduan din ng mga alkalde sa Metro Manila na huwag munang payagang lumabas ang mga hindi pa bakunado, maliban na lang kung bibili sila ng pagkain, magtatrabaho, o may mahahalagang lakad. Inatasan na rin ng Department of the Interior and Local Government (o DILG) ang mga opisyal ng barangay na ilista ang mga residente nilang hindi pa bakunado. Iminungkahi ring ipagbawal na sumakay sa mga pampublikong transportasyon katulad ng mga jeep ang mga hindi bakunado. Nagpaalala naman ang Commission on Human Rights (o CHR) na hindi maaaring basta-basta na lang ito isagawa dahil walang batas na itinututring na krimen ang pagiging unvaccinated.

Sa halip na igugol ang oras, manpower, at iba pang resources ng mga lokal na pamahalaan sa paglilista at pagbabawal sa mga taong hindi pa bakunado na lumabas ng kanilang bahay, mas kapakipakinabang para sa lahat kung magkakaroon ng puspusang information, education, and communication campaign o pagbbigay ng malinaw at tamang impormasyon tungkol sa mga benepisyong dala ng bakuna. Kailangan ding mas paigtingin ang pagpapabakuna sa pamamagitan ng pagtiyak na may access ang mga tao sa bakuna. Kailangang pabilisin ang paghahatid ng mga bakuna at dagdagan ang suplay ng mga ito lalo na sa mga probinsya kung saan dumarami ang naitatalang nagpopositibo sa Covid-19. Kailangang pagtuuunan ng pansin ng mga lokal na pamahalaan ang solusyon sa hamon halimbawa ng pagdadala at pag-iimbak ng mga bakuna upang mas marami ang maabot nito. Sa halip na pahirapan pa lalo ang mga tao, mas makabubuti kung kukumbinsihin sila at bibigyan ng mga serbisyong nararapat para sa kanila.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Filipos 2:4, “Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.” Hindi lamang ang mga unvaccinated ang carrier ng Covid-19; kahit ang mga bakunado ay maaaring pa ring mahawa at makahawa. Malasakit sa isa’t isa ang kailangan natin ngayon, kasabay ng pagbabahagi ng tamang impormasyon tungkol sa mga bakuna at pagtitiyak ng pamahalaang ligtas tayong lahat. Sa Catholic social teaching na Deus Caritas Est, binibigyang-diing hindi natin kailangan ng isang estadong kumokontrol sa lahat. Ang kailangan natin ay isang pamahalaang kusang-loob na lumalapit sa mga nangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 18,068 total views

 18,068 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 41,220 total views

 41,220 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 111,334 total views

 111,334 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 185,947 total views

 185,947 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 264,780 total views

 264,780 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 18,069 total views

 18,069 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 41,221 total views

 41,221 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 111,335 total views

 111,335 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 185,948 total views

 185,948 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top