Obispo nanawagan sa pamahalaan na tutukan ang pagbangon ng mahihirap

SHARE THE TRUTH

 405 total views

Nanawagan ang Opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan na ituon ang malaking budget sa pagtulong sa mga mahihirap at nagugutom sa Pilipinas.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Family and Life Chairman Parañaque Bishop Jesse Mercado, dumarami ang naghihirap dahil sa pandemya.

Nangangamba si Bishop Mercado na lalo pang tataas ang bilang ng mga mahihirap na umaabot na sa apat na milyon nase sa tala ng Commission on Population and Development.

“Sa mas malawakang pagtingin, ating hinihikayat ang pambansa at panglokal na pamahalaan na ilaan ang malaking bahagdan ng ating pambansa at panglokal na budget sa mga programang tutugon sa kahirapan at kagutuman ng ating mga mamamayan,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Umaasa si Bishop Mercado na isantabi muna ng mga namumuno ang mga proyektong maaring ipagpaliban at ituon ang mga pondo sa pag-tugon ng pamahalaan sa lumalalang kahirapan sa bansa.

Pagpapabatid pa ng Obispo na sana’y hindi na hayaan pa ng pamahalaan na makagawa ng ilegal na gawain ang kanilang mga nasasakupan para lamang maibsan ang nararamdamang kagutuman.

“Batid natin ang kasabihan na ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit. Huwag nating hintayin na ang mga naghihirap at nagugutom ay kailangan pang kumapit sa patalim upang matugunan lamang ang dinaranas nilang unos sa buhay,” ayon sa Obispo.

Ipinarating din ni Bishop Mercado ang Lubos na pasasalamat sa Caritas Manila at mga katuwang nitong Pribadong Institusyon sa kanilang pagtulong sa mga higit na nangangailangan maging sa mga pinakaliblib na bahagi ng bansa.

“Lubos nating pinasasalamatan ang mga gawain ng Caritas Manila at Caritas Pilipinas sa mga hakbangin na tungo sa pag-agapay sa mga nasa matinding kahirapan. Pasalamatan din natin ang kanilang mga katuwang na mga pribadong indibidwal at ang mga organisasyon na naglalaan ng dagdag na pagkain sa mga nagugutom,” pagbabahahi ng Obispo.

Mensahe din ni Bishop Mercado sa mamamayan na ang bawat isa ay mayroon kakayahan na makatulong maliban sa pagbibigay ng donasyon.

Ito ay sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga programa ng kani-kanilang parokya katulad ng mga feeding programs at pagkakaroon ng inisyatibo ng pagtatanim tulad ng urban farming.

“Maging kabahagi tayo ng mga gawain sa ating mga parokya na nagsasagawa ng mga income-generating activities, mga feeding programs para sa mga malnourished children at mga nagugutom na pamilya. Makiisa tayo sa mga pamamaraang maglalagay ng masustansiyang pagkain sa ating mga hapag, katulad ng vertical gardening, hydrophonic at aquaphonic gardening,” ani Bishop Mercado.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 32,938 total views

 32,938 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 43,943 total views

 43,943 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 51,748 total views

 51,748 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 67,676 total views

 67,676 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 82,819 total views

 82,819 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top