Paid Pandemic Leave, isinusulong ng labor groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total reads

Nagkaisa ang ibat-ibang labor at concerned groups na iparating sa pamahalaan ang pagsasabatas ng Paid Pandemic Leave (PPL).

Sa liham na ipinadala ng may 21 grupo sa pangunguna ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK), Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations (ANGLO), Kilusang Mayo Uno (KMU) at Association of Democratic Labor Organizations (ADLO) ay kanilang ipinananawagan sa pamahalaan ang pagsuporta rin sa mga batas na kasalukuyang dinidinig sa Senado at Kongreso.

Ito ay ang mga batas nina Senator Leila Delima na Senate Bill 2148 at Gabriela Partylist na House Bill 7909 na layong magkaroon ng hiwalay na pandemic leave ang mga manggagawang mahahawaan ng COVID-19 at nagkaroon ng exposure sa mga taong magpopositibo mula sa virus.

Pagpapabatid pa ng mga grupo, ito ay dahil na rin sa mga pangambang marami ng manggagawa ang nahahawaan ng COVID-19 dahil na rin sa banta ng Omicron variant.

“Kami po, mga manggagawa at labor advocates, ay lumalapit sa inyong mga lingkod upang ipaabot na lubos na apektado kaming muli ng surge na dulot ng Omicron variant ng COVID-19. may pambihirang paglaki ngayong Enero,” pahayag ng grupo.

Ang usapin ng Paid Pandemic Leave at nagsimula ng himukin ng Department of Labor and Employment ang mga employers ng pribadong kompanya na ipatupad ang hiwalay na official leave ng kanilang mga empleyadong mahahawaan o magkakaroon ng exposure sa COVID-19.

Patuloy naman ang panghihimok ng Simbahang Katolika sa bawat namumuhunan na bigyan ng nararapat na pagpapahalaga at dignindad ang bawat isa sa kanilang mga manggagawa, ito ay sa pamamagitan ng pagagawad ng wastong pasahod at ibat-ibang uri ng benepisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 4,445 total reads

 4,445 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 42,553 total reads

 42,553 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 268,824 total reads

 268,824 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 162,289 total reads

 162,289 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,082 total reads

 256,082 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top