Bibliya, ginagamit sa pagbubuklod – Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 780 total reads

Nilinaw ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na ang Bibliya ay ginagamit para pagbuklurin ang pamayanan.

Ito ang bahagi ng Liham Pastoral ng Obispo sa paggunita ng National Bible Month ngayong Enero.

Paliwanag ng opisyal na dapat hindi ginagamit ang Bibliya para magkawatak-watak ang lipunan bagkus gamitin ito upang ipahayag ang dakilang pag-ibig ng Panginoon sa sanlibutan.

“Hindi natin ginagamit ang Bibliya upang tuligsain at kalabanin natin ang iba. Ang totoong paggamit ng Bible ay nagdadala ng pagkakaisa ng mga Kristiyano, at ibig ni Jesus na magkaisa ang lahat ng kumikilala sa kanya bilang Panginoon,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Hinimok ng Obispo ang bawat isa na matutuhang magbasa ng Bibliya dahil ito ang pamamaraan na malaman ang salita ng Panginoon.

“Ang Bibliya ang katangi-tanging paraan na dumadating sa atin ang Salita ng Diyos, kaya kailangan nating pahalagahan ang Banal na Kasulatan,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Binigyang-diin ng opisyal na ang Bibliya ay ginagabayan ng Espiritu Santo na may kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya’t dapat na maging bunga sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan ay pag-ibig at pagkakaisa.

Umaasa rin si Bishop Pabillo na magkaroon ng Bibliya ang bawat tahanan kasabay ng panawagang bigyang pahalaga at malawak na pang-unawa ang pagbabasa sa mga salita ng Diyos upang maibahagi sa sambayanan.

Aniya, sa pamamagitan ng Bibliya ay natuturuan din ang mananampalataya na magdasal sapagkat dito nagsasalita ang Diyos sa tao.

Matatandaang 2017 sa bisa ng Proclamation no. 124 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 itinalaga ang buwan ng Enero bilang National Bible Month habang ang huling linggo ng buwan ay National Bible Week.

Setyembre 2019 naman sa Liham Apostoliko ni Pope Francis na ‘Aperuit Illis’ sa paggunita ng ika-1600 anibersaryo ng kamatayan ni St. Jerome ang dakilang mag-aaral ng Bibliya itinalaga nitoa ng ikatlong Linggo ng Karaniwang panahon bilang ‘Sunday of the Word of God’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 98,205 total reads

 98,205 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 236,603 total reads

 236,603 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 352,380 total reads

 352,380 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 469,035 total reads

 469,035 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top