Mamamayan, inaanyayahang panoorin ang docu-series na LENTE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 556 total reads

Inaanyayahan ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) ang bawat mamamayan na tunghayan ang Documentary Series na “Lente”.

Ayon sa Project Lead ng Lente na si Paulo Ferrer, tampok nito ang anim na serye ng dokumentaryong tumatalakay sa ibat-ibang suliranin at usaping panglipunan sa Arkidiyosesis ng Lipa na maaaring mapanood sa official Facebook page ng LASAC.

“Target po ng ating proyekto na maipakita ang panlipunang realidad na nararanasan dito sa Archdiocese of Lipa,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Ferrer sa Radio Veritas.

Layunin din ng serye na mahimok ang mga mamamayan sa lalawigan ng Batangas na mamulat at makiisa sa mga inisyatibo ng Simbahan sa kanilang pagtugon sa ibat-ibang usaping panlipunan.

Ito ay ang mga paksa ng Disaster Response, Food Security, Scholarship Programs, Volunteer Programs, Resource Mobilization at Social Enterprises.

“Kaugnay po nito ay ang mahikayat ang mga Batangueño na maging kalahok, sa kung ano mang paraan na kaya nila, sa ginagawang pagtugon ng simbahan sa mga panlipunang isyung mga ito,” ayon kay Ferrer.

Pagbabahagi pa ni Ferrer, ang Documentary Series din ang paraan ng Arkidiyosesis upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng lipunan.

Layunin din ng proyekto na mabigyang-daan ang pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng bawat mamamayan sa bansa na nahaharap sa maraming social issues.

“Ito po ang tugon ng lokal na simbahan ng Lipa. Umaasa kami na kung matutugunan ang mga isyung ito, maka-capacitate natin ang ating mga kababayan at maiaangat natin ang kalidad ng kanilang pamumuhay. Kahit paunti-unti, basta tuloy-tuloy ay mababawasan ang insidente ng mga panlipunang realidad na ito,” ayon pa kay Ferrer.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 100,681 total reads

 100,681 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,511 total reads

 177,511 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,959 total reads

 210,959 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,259 total reads

 246,259 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,914 total reads

 468,914 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top