Pagtataas ng compensation ng mga manggagawang nahawaan ng COVID 19, suportado ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total reads

Sinuportahan ng opisyal ng CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES (CBCP) ang pagtataas ng halaga ng Employees Compensation Commission (ECC) sa mga matatanggap na benepisyo ng mga manggagawang mahahawaan ng covid-19.

Nakasaad sa polisiya na mula sa naunang 480 pesos ay itataas ang ‘Sickness Benefit’ ng mga kwalipikadong manggagawa sa 600 pesos habang ang ‘Cash Assistance’ naman ay itataas sa hanggang 30-libong piso mula sa naunang sampung libong piso.

Ayon kay father Jerome Secillano, exe.sec. ng CBCP Permanent Committee On Public Affairs, malaking bagay ang pagsusulong ng hakbang dahil matutulungan nito hindi lamang ang mga manggagawa kungdi pati narin ang mga pamilyang umaasa sa kanila.

“Lahat ng tulong na maaaring gawin at ibigay sa mga manggagawa ay malaking bagay para malagpasan ng kanilang pamilya ang samut-saring problema na dulot ng pandemya,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Pari sa Radio Veritas.

Umaasa ang Pari na tiyakin ng pamahalaan na maayos na ipatutupad ang panuntunang may layuning umagapay sa mga manggagawa na nakaranas na ng maraming suliranin ng dahil sa covid-19 pandemic.

“Siguraduhin sana ng pamahalaan ang maayos na pagpapatupad ng mga stratehiyang naglalayong i-angat sa balon ng kahirapan ang ating mga kababayan,” ayon pa sa Pari

Sa kasalukuyan ay naisumite na ng ECC ang panukala sa Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ang kaniyang lagda at aprubadong desisyon na lamang ang hinihintay upang ganap na maipatupad ang panukala.

Pagpapabatid ni Father Secillano na tungkulin ng pamahalaan ang tulungan at iangat ang pamumuhay ng mga ordinaryong manggagawa sa lipunan at ipadama ang malasakit sa bawat mamamayan.

“Nawa ang lahat ng namumuno sa pamahalaan ay may malasakit sa taongbayan. Tungkulin nilang maglingkod at unahin sana nila ang kapakanan ng mga nasa laylayan ng lipunan kasama na ang ang mga ordinaryong empleyado at manggagawa,” pagbabahagi pa ng Pari.

Kaugnay nito ay humihingi namanc ng karagdagang pasensya ang ECC sa mga manggagawang nagpapasa ng requirements upang makamit ang mga benepisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 96,582 total reads

 96,582 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 173,625 total reads

 173,625 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 207,073 total reads

 207,073 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 242,373 total reads

 242,373 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 465,173 total reads

 465,173 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top