CBCP, nanawagan na damayan ang mga dumaranas ng mental health problem

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total reads

Hinihikayat ng healthcare ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat isa na bigyan ng sapat na atensyon at oras ang mga taong nakakaranas ng mental health problems.

Ito ang panawagan ni Camillian priest Father Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care sa patuloy na pagdami ng mga nakakaranas ng depresyon at iba pang suliraning pangkaisipan dahil COVID-19 pandemic.

“Kasi ang mga taong nakakaranas ng depression at anxiety kapag tatanungin mo ng ‘kumusta ka na?’, usually, ang sagot nila ‘okay lang’. Pero deep within, ang paa nila ay hindi nakalapat sa lupa,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Cancino na ilan sa mga maaaring gawin upang makatulong sa mga nakakaranas ng depresyon ay ang pagbibigay ng oras upang magmasid at makinig.

Ipinaliwanag ng pari na ito’y para mas madaling matulungan at madamayan ang kapwa.

“Tingnan natin ang mga behaviors pati ‘yung feelings nila. Mag-reachout tayo to assure them na nandun tayo at sasamahan natin sila. Pakinggan din natin sila kasi ang mental health is about listening “ saad ng pari.

Batay sa datos ng Department of Health – National Mental Health Program, aabot sa mahigit isang milyong indibidwal sa bansa ang nakakaranas ng depressive disorder.

Naitala din dito na mahigit sa 500-libo ang mayroong bipolar disorder at 200-libo naman ang nagsasabing mayroong schizophrenia.

Ayon naman sa National Center for Mental Health, umabot sa 1,375 suicide-related calls ang natanggap ng institusyon noong 2021.

Habang ayon naman sa Philippine Statistics Authority na noong 2020, hindi bababa sa higit 4,000 katao sa bansa ang namatay bunsod ng pagpapatiwakal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,231 total reads

 55,231 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,610 total reads

 134,610 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,055 total reads

 168,055 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,353 total reads

 203,353 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,661 total reads

 427,661 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,136 total reads

 157,136 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top