House to house vaccination, suportado ng CBCP-ECCE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 401 total reads

Sang-ayon si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa pagsasagawa ng house-to-house COVID-19 vaccination para sa mga senior citizen at mayroong comorbidities.

Ayon kay Bishop Mangalinao, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, mas makakatulong ang ganitong inisyatibo dahil hindi na kailangan pang lumabas ng mga tao sa kanilang mga tahanan para magpabakuna laban sa virus.

“Malaking tulong ito lalo na sa mga seniors at may comorbidities na takot lumabas ng tahanan dahil baka mahawa ng virus, ngunit gustong magpabakuna,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa Radio Veritas.

Sinabi ng obispo na sa ganitong paraan mas madaling maisasagawa ang information dissemination upang maipaliwanag sa mamamayan ang kahalagahan ng pagpapabakuna.

Dagdag ni Bishop Mangalinao, malaking kaginhawaan din ang house-to-house vaccination para sa mga komunidad na malayo sa vaccination sites.

“Tulad ng mga nasa gitna ng kabundukan, makakatulong din ito na marating ang malalayong lugar na nais ding makatanggap ng proteksyon laban sa COVID,” ayon sa obispo.

Gayunpaman, mariin namang tinututulan ng opisyal ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na patawan ng parusa ang mga ayaw magpabakuna.

Aniya, lalo lamang nitong madadagdagan ang pangamba at alalahanin ng mga tao habang patuloy na hinaharap ang krisis ng pandemya.

“Hindi ako sang-ayon na pilitin, takutin, at parusahan ang mga taong ayaw magpabakuna,”saad ni Bishop Mangalinao.

Iginiit ni Bishop Mangalinao na mas magandang paigtingin na lamang ng pamahalaan ang pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa bakuna na lalong makakahikayat sa publiko na magpabakuna laban sa virus.

Nauna nang kinondena ng Commission on Human Rights ang direktiba ng Administrasyong Duterte at sinabing maliban sa ito’y labag sa karapang-pantao, hindi rin nakasaad sa 1987 Constitution ang batas na nagsasabing maituturing na kriminal ang indibidwal na ayaw magpabakuna.

Batay naman sa tala ng Department of Health, nasa halos 58-milyong Filipino na ang kumpleto na sa bakuna kontra COVID-19 habang nasa higit anim na milyon naman ang nakatanggap na ng booster shot.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 18,367 total reads

 18,367 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 6,586 total reads

 6,586 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 45,265 total reads

 45,265 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 63,472 total reads

 63,472 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 147,803 total reads

 147,803 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 184,811 total reads

 184,811 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 79,842 total reads

 79,842 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top