Isabuhay ang Laudato Si’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,042 total reads

Desidido ang Simbahang Katolika na ipagpatuloy ang pagtataguyod sa pangangalaga at pagpapanatili sa inang kalikasan.

Ito ang sinabi ni Rodne Galicha, Executive Director ng Living Laudato Si’ Philippines kaugnay sa ginanap na plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na tinalakay ang ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis upang tugunan ang lumalalang suliranin sa kalikasan.

Ayon kay Galicha, patuloy na sinusunod ng LLS-Philippines ang mga alituntunin ng Simbahan hinggil sa pangangalaga sa kalikasan tulad ng ecological conversion.

“The Philippine Church is determined, committed and always ready to take action, and actually has taken bold actions, to defend life – the onus of our care for our Common Home,” pahayag ni Galicha.

Panawagan naman ng Opisyal sa bawat mananampalataya mula sa mga parokya at basic ecclesial communities na patuloy na isabuhay ang mga turo ng Laudato Si’ at sama-samang ipalaganap ang mga pamamaraan na makakatulong para sa kapaligiran.

Gayundin ang pakikipag-diyalogo upang matagumpay na maisakatuparan ang magandang layunin ng Simbahan sa kalikasan alang-alang sa kapakanan at kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

“We enjoin all our sisters and brothers, starting from our parishes and basic ecclesial communities to walk together in this journey, in synergy and ecological synodality,” ayon kay Galicha.

Kaugnay nito, naglabas ng pastoral statement ang CBCP na pinamagatang “A Call for Unity and Action amid a Climate Emergency and Planetary Crisis”.

Ito’y upang bigyang kamalayan ang mamamayan sa labis na epekto ng pagkasira ng kapaligiran at mga hakbang na nararapat gawin upang mapanatiling maayos ang kaloob ng Panginoon para ating nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 250,072 total reads

 250,072 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 281,785 total reads

 281,785 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 383,611 total reads

 383,611 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 424,172 total reads

 424,172 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 434,157 total reads

 434,157 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,338 total reads

 144,338 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top