Transport groups, nagpapasalamat sa suspension ng “No vaccine no ride policy”

SHARE THE TRUTH

 437 total views

Nagpasalamat ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa pagsuspindi sa “No Vaccine No Ride Policy sa Metro Manila.

Ayon kay FEJODAP National President Ricardo Rebaño, makakatulong ang hakbang ng Department of Transportation o DOTr upang makabawi sa kita ang mga Jeepney driver at operatos na nakaranas ng pagkalugi ng dahil sa pagbabawal ng anumang uri ng public transportation noong umiral ang Enhance Community Quarantine.

“Kami po ay nagpapasalamat unang una ngayong malapit ng ipatupad ang alert level 2 ay madadagdagan po yung kita kahit papano ng mga driver at operator,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Rebaño.

Pangako rin ni Rebaño ang pagsunod ng mga miyembro ng FEJODAP sa mga ipinatutupad na panuntunan ng pamahalaan kung saan patuloy na pangangalagaan ang kapakanan ng mga commuters, mamamayan at mga manggagawa sa transport sector.

Inihayag ni Department of Transporation (DOTr) Assistant Secretary Goddess Libiran ang pagpapatupad ng Alert Level 02 status sa National Capital Region simula sa February 01 hanggang 15 kabilang ang Biliran, katimugang Leyte, Rizal Province, Cavite, Bulacan Batanes at Basilan.

Ika-17 ng Enero ng pairalan ng DOTr ang no vaccine no ride policy sa Metro Manila sa kabila ng mga naging panawagan ng ibat-ibang grupo na maari nito labagin ang karapatang pang-tao.

Unang ipinabatid ni Military Ordinariate of the Philippine Bishops Oscar Jaime Florencio sa bawat mamamayan na ang pagpapatupad ng mga patakaran na kagayang ng ‘no vaccine no ride policy’ ay pinaiiral upang mas mapangalagaan ang kalusugan ng nakakarami mula sa banta ng Corona Virus Disease.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 32,946 total views

 32,946 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 75,160 total views

 75,160 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 90,711 total views

 90,711 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 103,857 total views

 103,857 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 118,269 total views

 118,269 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top