Cardinal Advincula, nagpahayag ng suporta sa Filipinong Apostolic Nuncio to Rwanda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 806 total views

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang ikalimang Filipinong Apostolic Nuncio.

Sa inilabas na anunsyo ng Vatican, hinirang ni Pope Francis si Monsignor Arnaldo Catalan bilang Apostolic Nuncio to Rwanda.

Itinuring na makasaysayan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagkatalaga ni Msgr. Catalan bilang kinatawan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Rwanda.

“His Eminence Jose Cardinal F. Advincula, Archbishop of Manila, thanks the Holy Father for this gift and honor and considers the appointment of Archbishop-elect Catalan as historic being the first priest of the Archdiocese of Manila to become a Nuncio,” bahagi ng pahayag ng Arkidiyosesis.

Kasalukuyang naglilingkod ang pari bilang Chargé d’affaires of the diplomatic mission of the Holy See sa China (Taiwan) mula noong 2019.

Nagsimulang manilbihan sa Holy See Diplomatic Service si Msgr. Catalan noong July 2001 kung saan kabilang sa napaglingkuran ang Apostolic Nunciatures ng Zambia, Kuwait, Mexico, Honduras, Turkey, India, Argentina, Canada at Pilipinas.

Tiniyak ni Cardinal Advincula sa bagong Nuncio ng Rwanda ang buong pusong suporta sa misyon ng pagiging kinatawan ng Santo Papa.

“In the name of the clergy, religious men and women, and the laity of the Archdiocese and assures him of their support and prayers as he takes on this new mission,” ani ng Cardinal.

Si Archbishop-elect Catalan ay naordinahang pari ng Archdiocese of Manila noong March 25, 1994.

Bukod kay Msgr. Catalan nanilbihan din si Archbishop Adolfo Tito Yllana bilang Apostolic Nuncio ng Israel at Cyprus at Apostolic Delegate to Jerusalem and Palestine; si Archbishop Francisco Padilla ang kinatawan ni Pope Francis sa Guatemala; Archbishop Bernardito Auza sa Spain at Andorra; habang Apostolic Nuncio Emeritus to Korea naman si Archbishop Osvaldo Padilla.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 61,099 total views

 61,099 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 91,321 total views

 91,321 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 117,972 total views

 117,972 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 212,945 total views

 212,945 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 230,040 total views

 230,040 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top