Gawing huwaran si San Jose sa pagboto sa May 2022 national at local elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 617 total reads

Hinikayat ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos ang mga Filipino na gawing huwaran ang pagkatao ni San Jose sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.

Ayon sa obispo, magandang halimbawa si San Jose sa mga tunay na lingkod na buong katapatang sumunod sa kalooban ng Panginoon.

“Let us choose a leader who, like St. Joseph, has a servant heart, who is submissive to God,” bahagi ng pahayag ng obispo sa Radio Veritas.

Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Council na inuuna ni San Jose ang ninanais ng Panginoon sa halip na sundin ang kanyang mga sariling plano at interes sa buhay.

Aniya, tulad ng paghalal ng mga pinuno ng bayan dapat ding piliin ang kakayahan ng kandidato na magtataguyod sa kabutihan ng nakararami at handang sumunod sa kalooban ng Panginoon.

“We must choose someone who will accomplish something for us. Someone who will work with us and for us. Someone who will always do God’s will first, keeping the law of God above all. Not his personal interests nor favors for his relatives. Not to indulge with or reward his political party mates,” ani Bishop Santos.

Giit ng opisyal ng CBCP na ang tunay na lider ay handang maglingkod sa Panginoon at ibinabatay ang pamamahala sa bayan at mga gawa na kalugod-lugod sa Diyos.

Bukod pa rito ang lider na handang itaguyod at pangalagaan ang pamilya kabilang na ang pagsusulong sa kabanalan ng sakramento ng pag-iisang dibdib.

Gayundin ang pagtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa lalo na sa mahihirap na sektor ng lipunan.

“Let us choose someone who will work for our good, for the improvement of our welfare, and for the fulfillment of God’s law,” giit ni Bishop Santos.

Sa Pebrero inaasahang ilalabas ng CBCP ang pastoral statement na gagabay sa 67-milyong botante sa wastong pagpili ng mga karapat-dapat na lider ng bansa na mangangasiwa sa susunod na anim na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 14,834 total reads

 14,834 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 113,764 total reads

 113,764 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 158,034 total reads

 158,034 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 181,145 total reads

 181,145 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 255,433 total reads

 255,433 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top