Health safety ng mamamayan, dalangin ng Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 698 total reads

Patuloy na ipinapanalangin ng Diocese of Baguio ang kaligtasan at ikabubuti ng kalusugan ng mga mamamayan at manggagawa, higit na ang mga kabilang sa sektor ng turismo.

Ito ang pagbabahagi ni Baguio Vicar General Father Berlynden Dao-Anis, kaugnay ng pagluluwag ng pamahalaan sa mga patakaran sa sektor ng turismo.

“We pray health, healthy living parin and yun nga po para makaahon somehow sa epekto ng pandemyang ito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Sa February 10 ayon sa Department of Tourism (DOT) ay hindi na kakailanganin pang sumailalim ng mga Fully Vaccinated na Banyagang Turista sa quarantine procedures, kaakibat ito ng pagkakaroon nila ng mga negatibong swab test results ng COVID-19 na kinuha sa loob ng 48-oras sa bago magtungo sa Pilipinas.

Pagbabahagi ni Father Dao-Anis ang katiyakan na pinag-aralan ng pamahalaan ang hakbang bago pairalin.

Kasabay ito ng apela na sa kabila ng pagluluwag ng panuntunan ay mananatili parin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols upang mapangalagaan ang bawat isa.

“Atleast more or less napag-aralan din po ng pamahalaan yan, ng government, so with that I think i-establish parin yung minimum health protocols na masusunod,” ayon pa sa Pari.

Batid din ni Father Dao-Anis ang kahalagahan ng panunumbalik ng sigla ng turismo sa Pilipinas.

Ito ay upang makabangon ang mga manggagawa at negosyong kabilang sa tourism sector na nalugi ng dahil sa naunang mahihigpit na panuntunan dahil sa banta ng COVID-19.

“They really have to go into that as well kasi nga yun nga po, madami din actually ang naapektuhan ng kabuhayan isa yung tourism industry so kailangan din talagang makabangon din,” pagbabahagi pa ng Pari.

Kilala ang Baguio City bilang “Summer Capital of the Philippines” na isa sa mga sikat na tourist spot sa bansa.

Tulad ng ibang pook pasyalan ay nakaranas narin ng ibat-ibang suliranin at pagkalugi ang siyudad, ayon sa mga naunang pag-uulat ni Baguio Mayor Benjamin Magalong, umabot sa mahigit 3.5-Billion pesos ang ikinaluging halaga ng sektor ng turismo sa lugar ng dahil sa pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 14,536 total reads

 14,536 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 113,480 total reads

 113,480 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 157,750 total reads

 157,750 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 180,861 total reads

 180,861 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 255,164 total reads

 255,164 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 25,512 total reads

 25,512 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top