Kagalingan ng mamamayan, ipinanalangin ng pinuno ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total reads

Pinapanalangin ni Fr. Anton CT Pascual na makamtan nawa ng mga kapanalig na may karamdaman ang lubos na kagalingan mula sa Panginoon at sa tulong ng Birheng Maria.

Ito ang mensahe ng pangulo ng Radio Veritas at executive director ng Caritas Manila para sa 30th World Day of the Sick sa February 11, kasabay ng dakilang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

“Healing is one of the most powerful manifestation of the Kingdom of God. Kaya’t nawa’y mapasakanila ang kagalingan sa lahat ng maysakit sa kapangyarihan ni Hesukristo at sa tulong ng panalangin ng Mahal na Ina ng Lourdes,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa pari, laging hinahangad ng Panginoon ang kaligtasan at kapayapaan ng isip ng bawat tao kaya hindi nais ng Panginoon na magdusa ang tao sa anumang karamdaman.

Giit ni Fr. Pascual na marahil sa kapabayaan at kasalanan ng tao kaya’t nagkakaroon ng mga karamdamang unti-unting nagpapahina sa katawan.

“Naniniwala po tayong ang sakit ay hindi galing sa Panginoon. Hindi kalooban ng Diyos na tayo’y magkasakit. Ito’y epekto ng kasalanan natin. Kapabayaan, at hindi pag-aalaga ng ating sarili, kalikasan, at ng pamayanan,” ayon sa pari.

Gayunman, paalala ng pari na patuloy lamang na manalig sa Panginoon upang maligtas sa anumang karamdaman, gayundin ang pagpapakita ng paggalang sa sariling pangangatawan at inang kalikasan.

Tema ng 2022 World Day of the Sick ang “Be merciful, even as your Father is merciful”, mula sa ebanghelyo ni San Lukas kabanata anim talata 36.

Sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco, hiling nito na makamtan na nawa ng mga mayroong karamdaman lalo na ang mga nasa mahihirap na komunidad, ang kinakailangang pangangalagang pangkalusugan na makakatulong sa mabilis na paggaling.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,584 total reads

 2,584 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 8,597 total reads

 8,597 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,267 total reads

 46,267 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,537 total reads

 272,537 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 166,003 total reads

 166,003 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 259,606 total reads

 259,606 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,561 total reads

 150,561 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top