Laganap na kahirapan, gawing batayan sa pagboto sa May 2022 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 815 total reads

Hinamon ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mamamayan na huwag makuntento sa mabagal na paglago ng ekonomiya.

Ayon kay Bro. Jun Cruz – Pangulo ng grupo, pawang mga may kakayahan lamang ang nakikinabang sa pag-unlad ng ekonomiya subalit nanatiling naghihirap ang karamihan sa mga Pilipino.

“Ang hamon sa ating lahat ay huwag sana tayong maging masaya sa patak-patak na pag-usad ng ekonomiya na ang nakikinabang din lang ay ang ilang malalaking tao,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Cruz sa Radio Veritas.

Ang pahayag ni Cruz ay kasunod ng pagtatala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ng bahagyang mabagal na 3% inflation rate noong Enero 2022.
Hinimok ng opisyal ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pamahalaan na tulungan ang mamamayang hirap sa buhay higit na yaong nawalan ng trabaho at kumukuha ng makakain sa mga basurahan.

“Pagtuunan ng pansin, tulungan natin yung maliliit, yung mga napipililtang mangi-nain sa basura.Yung libo-libong nawalan ng hanap-buhay. Yung milyon-milyong kunware, ayon sa datos, ay hindi mahirap,” ayon pa kay Cruz.

Magugunitang noong Disyembre 2021 ay naitala ng PSA ang 23.7% Poverty Incidence na ngangahulugang 3.9-Milyong Pilipino ang nakaranas ng kahirapan sa unang apat na buwan ng 2021.

Habang ayon naman sa pag-uulat ng Social Weathers Stations noon ding Disyembre 2021 ay mayroong mahigit 2.5-Milyong mamamayan ang nakaranas ng kagutumunan sa 3rd quarter naman ng 2021.

Paalala ni Cruz, gamiting pagkakataon ang nalalapit na halalan sa Mayo upang matulungang makaahon at maiangat ang sistema ng pamumuhay ng bawat isa.

“Sa Mayo 2022, may nag-iisang pag-asa pa para tayo maka-ahon, may nag-iisa na lang na pagkakataon upang tunay nating mai-angat ang buhay,” ani Cruz.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 5,991 total reads

 5,991 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 92,970 total reads

 92,970 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 130,343 total reads

 130,343 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 161,604 total reads

 161,604 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 234,125 total reads

 234,125 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top